• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Taylor Swift, malaya na muling i-record ang limang hit albums

SA December na iluluwal ni Aicelle Santos ang first baby nila ni Mark Zambrano at ang napili nilang name para kay Baby Z ay Zandrine Anne.

 

Ni-reveal nila ito sa naganap na virtual baby shower kamakailan.

 

Pinost ni Aicelle ang highlights ng baby shower sa kanyang Instagram.

 

“Still on a high from Baby Zandrine’s online baby shower!

 

“Yes! We are naming our first- born, Zandrine Anne! Our heartfelt gratitude to friends, families, ninangs and ninongs, GMA and STAGES family, sponsors and brands for showering us with their presence, heartwarming messages, gifts and songs. We are truly, truly grateful for each one of you.

 

“And to our STAGES Family, the team behind this fun and mean- ingful online event, thank you, thank you very much. We hope one day we can give back all the love you have been blessing us with through the years. God bless your hearts. Maraming salamat po. #amazinggrace #AizReadyToPop #ZandrineAnne.”

 

Kabilang sa mga nakisaya sa online baby shower nila Aicelle at Mark ay sina Christian Bautista, Maricris Garcia at Lea Salonga.

 

*****

 

MUKHANG hindi na tinatago ng ‘That’s My Bae’ winner na si Kenneth Medrano ang kanyang asawa at anak sa Cebu City.

 

Sa kanyang Instagram, naka- post ang maraming photos at video ng kanyang anak na si Troian Earl na mag-turn 5 years old na.

 

“Ang bilis ng panahon! Parang kailan lang karga2x pa kita. Hanggang ngayon kinakarga pa din naman kita pero hindi na kita kaya, para kang isang sako ng bigas sa bigat. Best gift ever! You’re turn- ing 5 na. You will always be my baby,” caption ni Kenneth.

 

Noong manalo pala si Kenneth sa ‘That’s My Bae’ sa Eat Bulaga noong 2015 ay may baby na pala siya.

 

Kaya pala walang nali-link na ibang babae kay Kenneth dahil may sariling pamilya na pala ito sa Cebu.

 

Cute ang anak ni Kenneth at magaling ding sumayaw. Marami ngang Tiktok videos ang mag- ama.

 

“Father and Son, d ko talaga alam steppings nyan eh, mas alam nya pa!” caption ni Ken- neth sa isang IG video.

 

*****

 

MALAYA na si Taylor Swift na muling i-record ang kanyang limang hit albums na ikinatuwa ng kanyang mga fans.

 

Noong nakaraang November 1 ay legal nang gawin ni Taylor ang pag-record ng new version ng albums niya under Big Machine.

 

Nasa huling kontrata ng singer-songwriter na sa November 2020 ay malaya na siyang gawin ang mga gusto niya sa kanyang albums na Taylor Swift, Fearless, Speak Now, Red at 1989 kahit na pag-aari pa ni Scooter Braun (Justin Bieber’s manager) ang kanyang music catalog na binili nito sa Big Machine for $300 million.

 

Nag-trend sa Twitter ang hashtag na #TaylorIsFree at natuwa ang kanyang fans, the Swifties, na pag-aari na ulit ni Taylor ang kanyang music.

 

“It’s something that I’m very excited about doing, because my contract says that starting November 2020, I can record albums one through five all over again. I’m very excited about it. I think that artists deserve to own their work. I just feel very pas- sionately about that,” sey ni Taylor sa Good Morning America. (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PAKISTANI, INARESTO SA PAG-OPERATE NG SHOP NA WALANG VISA

    INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Pakistani dahil sa pag-operate ng kanyang shop na walang kaukulang visa.     Sa ulat na isinumite kay BI Commissioner Jaime Morente ng  BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. kinilala ang Pakistani na si Nasir Khan, na inaresto sa kanyang ika-25 mismong araw […]

  • DepEd: Private schools, puwedeng mag-distance, blended learning

    MAAARI pa ring magpatupad ng distance at blended learning, paglampas ng Nobyembre 2, ang mga pribadong paaralan sa bansa.     Ito’y matapos na ilabas ng Department of Education (DepEd) kahapon ang Department Order (DO) 044 na pirmado ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte.     Sa ilalim ng naturang kautusan, inaamiyendahan ang […]

  • NAVOTAS NAGBIGAY NG CASH INCENTIVES SA PUBLIC SCHOOL GRADUATES

    NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng cash incentives ngayong taon para sa mga public school graduates.     Nasa 3,495 Grade 6 at 1,270 Grade 12 completers ang nakatanggap ng kanilang P500 at P1,000 cash grants, respectively habang ang graduates ng Navotas Polytechnic College ay nakatanggap din ng P1,500.     “The city government’s […]