Team Philippines reresbak sa 2023 Cambodia SEAG
- Published on May 25, 2022
- by @peoplesbalita
MAITUTURING pa ring tagumpay ang kampanya ng Pilipinas sa katatapos na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Ito ay mula sa hinakot na 52 gold, 70 silver at 104 bronze medals ng Pinas para pumuwesto sa fourth place sa overall medal standings bagama’t apektado ng pandemya ang training ng mga atleta simula noong 2020.
Limitado ang naging preparasyon ng mga Pinoy athletes sa loob ng dalawang taon matapos magkampeon noong 2019 Manila edition bunga ng ipinatupad na lockdown, community quarantine restrictions at mahigpit na health and safety protocols sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Kumolekta ang mga Pinoy athletes ng 149 golds, 117 silvers at 121 bronzes nang pagharian ang SEA Games noong 2019.
Kagaya ng inaasahan, inagaw ng host Vietnam ang overall crown nang magposte ng 205 golds, 125 silvers at 116 bronzes kasunod ang Thailand (92-103-136) at Indonesia (69-91-81).
Nasa ilalim ng Pilipinas sa fifth place ang Singapore (47-46-73) at sixth-placer Malaysia (39-45-90).
Tampok sa fourth-place finish ng Pinas ang limang gintong medalyang hinakot ni two-time world champion Caloy Yulo sa men’s artistic gymnastics.
Inangkin ni Yulo ang mga golds sa men’s all-around event, floor exercise, vault, high bar at rings habang may silver siya sa men’s team event at parallel bars.
Dinuplika ng 22-anyos na Batang Maynila ang five-gold haul ni gymnast Rolando Albuera noong 1979 SEA Games sa Jakarta, Indonesia.
Nag-ambag naman ng dalawang ginto si Fil-Am Aleah Finnegan sa women’s team at women’s vault
Tumumbok din ng dalawang gold si billiards queen Rubilen Amit sa women’s 9-ball at 10-ball events.
Ipinagpatuloy naman nina Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz, World No. 6 pole vaulter Ernest John Obiena at Tokyo Olympics bronze medal winner Eumir Felix Marcial ang dominasyon sa kanilang mga events.
Kapwa sinikwat nina Diaz at Obiena ang ikalawang sunod nilang SEA Games gold, samantalang muling naghari si Marcial sa men’s middleweight division sa ikaapat na dikit na pagkakataon.
Ngunit ang ikinabigla ng lahat ay ang kabiguan ng Gilas Pilipinas men’s 5-on-5 team sa Indonesia sa gold medal match.
Samantala, kumpiyansa si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na muling lalaban para sa overall crown ang mga Pinoy athletes sa 2023 SEA Games sa Cambodia.
-
Catantan dinale bronze, All-America awardee pa
NAGTULOS ng 20-1 win-loss record si Samantha Kyle Catantan ng Pilipinas para makopo ang women’s foil bronze medal at maging isa sa siyam na ginawaran All-American selection sa wakas nitong Lunes ng 2021 United States National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Bryce Jordan Center sa University Park, Pennsylvania. Pinagtatagpas ng 19 na taong-gulang, […]
-
Bulacan, sinimulan ang pagbabakuna sa mga tourism frontliner
LUNGSOD NG MALOLOS- Sinimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office at Provincial Health Office ang pagbabakuna sa mga manggagawa sa turismo kabilang ang mga manggagawa ng pelikula, historyador, mananaliksik, mga grupo sa sining at kultura, tour guides, samahan ng turismo, […]
-
Brooklyn Nets pasok na sa NBA semifinals matapos ilampaso sa Game 5 ang Celtics
Pasok na rin sa second round ang powerhouse team na Brooklyn Nets matapos ilampaso sa Game 5 ang Boston Celtics, 123-109. Tinapos ng Nets ang first round series sa 4 wins against 1. Dahil dito, uusad na ang Brooklyn sa semifinals upang harapin naman ang nag-aantay na Milwaukee Bucks. […]