Team Philippines sasabak sa 46 sports event sa 2022 Asiad
- Published on February 25, 2021
- by @peoplesbalita
Isinumite na ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang listahan ng mga sports events na lalahukan ng mga Pinoy athletes sa 2022 Asian Games sa Hangzhou, China.
Sasabak ang Team Philippines sa 46 sa kabuuang 61 sports events na inilatag para sa 2022 Asiad na nakatakda sa Setyembre 10 hanggang 25 sa susunod na taon.
“We submitted our list last Friday — the deadline — and we based our list on our effort to surpass our last achievement of four gold medals — in Jakarta — because we improved a lot in the SEA Games,” wika kahapon ni Tolentino.
Ang nasabing listahan ng mga sports events na sasalihan ng mga Pinoy athletes ay isinumite ng POC sa Hangzhou Asian Games Organizing Committee.
Ang mga ito ay ang aquatics, archery, athletics, baseball, softball, men’s basketball, men’s 3×3 basketball, boxing, canoe-kaya, cycling MTB at BMX, dancesports’s breaking, men’s dragon boat, equestrian, fencing, men’s football, golf, artistic and rhythmic gymnastics, judo, jiu-jitsu, kurash, karate, bridge, chess, esports, xiangqi, modern pentathlon, skateboarding, rowing at men’s rugby.
Maglalaro rin ang mga Pinoy sa sailing, sepak takraw, shooting, sports climbing, squash, taekwondo, tennis, triathlon, men’s at women’s volleyball, men’s at women’s beach volleyball, weightlifting, wrestling at wushu.
Noong 2018 edition ay kumolekta ang Team Philippines ng apat na gold medals bukod pa rito ang dalawang silver medals at 15 bronze medals.
-
Ayuda sa seniors, PWDs dapat gawing P1K
NANGAKO ang ACT-CIS Partylist na tatrabahuhin ng kanilang grupo na madagdagan ang ayuda para sa mga indigent senior citizens sa bansa. Ayon kay ACT-CIS nominee Edvic Yap, “sa kasalukuyan, P500 lang ang natatanggap na ayuda buwan-buwan ng mga indigent senior citizens natin at PWD.” Ang budget ay nanggagaling sa Department of […]
-
SC ibinasura ang DQ vs Marcos sa botong 13-0
IBINASURA ng Supreme Court ang mga petisyon na kumukuwestiyon sa kandidatura ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na hudyat ng malayang oath-taking niya bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas. Sa botong 13-0, ibinasura ng SC en banc ang petisyon kontra sa kautusan ng Commission on Elections (Comelec) na ibasura ang petisyon sa Certificate of Candidacy […]
-
Tagumpay ang romcom serye ng Puregold Channel: WILBERT at YUKII, ‘di binigo ang tagasubaybay ng ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile”
NAGWAKAS na kamakailan ang pinakabagong hit na serye ng Puregold Channel ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile. Ang isang season finale na talaga namang nakapagpasaya at nakapagpakilig sa mga tagasubabay, dahil sa wakas, nagtagpo na ang mga bidang sina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi), na nagpasyang maghiwalay ng landas sa nakaraang episode ng […]