Temporary deployment ban muna ng OFW sa Saudi – DOLE
- Published on June 8, 2021
- by @peoplesbalita
Pansamantalang ipinataw ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang temporary deployment ban patungong Kingdom of Saudi Arabia.
Ito ay may kaugnayan sa hinihinging karagdagang requirements ng mga employers sa mga Filipino workers.
Mismo si Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia ang nagkumpirma sa temporary deployment ban.
Napag-alaman na nakatanggap ang DOLE ng reports na ang mga ipinadalang OFWs ay hinihingian ng kanilang mga employers o foreign recruitment agencies na sila ang magbayad sa gastos sa health and safety protocol for COVID-19 at insurance coverage premium pagpasok nila sa ibang bansa.
Dahil dito, ipinatupad muna ng DOLE ang temporary suspension sa deployment ng overseas Filipino workers patungong Kingdom of Saudi Arabia epektibo kaagad hanggang sa maglabas ng bagong kautusan ang ahensiya. (Daris Jose)
-
Ads October 19, 2023
-
Saldaña pinamamalimos para sa pagpapagamot
NASA hindi mabuting kalagayan sa kasalukuyan six-time Philippine Basketball Association (PBA) champion at two-time Barangay Ginebra San Miguel player Antero ‘Terry’ Saldana. Ipinaskil sa Facebook page nitong Linggo ni Gil Boylie Ibasan Lopez, ang kaawa-awang sitwasyon ng 63 taong-gulang na, 6-3 ang taas na ex-pro kung saan nasa wheelchair na may mga sugat […]
-
PUBLIKO, BINALAAN NG DIOCESE OF NOVALICHES LABAN SA SCAMMER
NAGBABALA ang Diyosesis ng Novaliches sa mga mamamayan kaugnay sa scammer na nagpapakilalang seminarista upang makakuha ng mga donasyon. Sa inilabas na pahayag ng diyosesis umiikot sa komunidad ng Commonwealth sa Quezon City partikular sa Kristong Hari Parish at Parokya ng Mabuting Pastol ang nagpakilalang John Michael Castillo upang humingi ng tulong pinansyal […]