TEMPORARY WORK STOPPAGE KONTRA KUMPANYA, INILABAS NG DOLE
- Published on June 10, 2022
- by @peoplesbalita
NAGLABAS ng temporary work stoppage order ang Department of Labor and Employment Central Visayas (DOLE-7) laban sa food and beverages company sa Mandaue City matapos mamatay ang isa nitong manggagawa habang naglilinis ng pulverizer machine.
Sinabi ni Marites Mercado, hepe ng Tri-City field office ng DOLE-7, na naglabas ng work stoppage order laban sa Universal Robina Corp. (URC) noong Lunes, June 6, para sa paglabag sa safety protocols para sa kanilang manggagawa na nagresulta sa pagkamatay ni Stephen Corilla noong June 2.
Napatay si Corilla nang mahigop sa pulverizing machine nang aksidente itong na-on habang nasa loob pa siya nito.
Sinabi ni Mercado na agad naglabas ng inspection authority ang DOLE-7 nang makarating sa kanila ang impormasyon upang inspeksyunin ang factory ng kumpanya at upang magsagawa ng Occupational Safety and Health investigation.
Dagdag pa ni Mercado, hindi aalisin ang work stoppage order hannggat makapagsumite ang URC ng kinakailangang dokumento na isasailalim sa validation ng mga labor inspector ng DOLE.
Nagpataw din ang DOLE-7 ng P100,000 na multa laban sa URC dahil sa paglabag sa DOLE-7 department order 198-18 na siyang implementing rules and regulations ng Republic Act No. 11058 na tinawag na “An Act Strengthening Compliance with Occupational Safety and Health Standards and Providing Penalties for Violations Thereof.”
Sinabi ni Mercado na kabilang sa mga natuklasan ng kanilang mga inspektor ay ang quarterly maintenance ng kasangkot na makina ay “hindi sapat.”
Dagdag pa niya na ang ahensya ni Corilla, ang HR Team Asia, ay nangako rin ng tulong pinansyal sa kanyang pamilya.
Ang URC ay nagsasagawa rin aniya ng sariling imbestigasyon sa insidente.
Aniya hinihintay din nila ang resulta ng pag-iimbestiga ng nasabing kumpanya. (GENE ADSUARA)
-
Online na muna ang 2021 PSA Annual Awards Night
SA unang pagkakataon sa kasaysayan, isasagawa ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang taunang SMC-PSA Annual Awards Night sa pamamagitan ng virtual sanhi ng kasalukuyang COVID-19. Nakatakda ang aktibidad sa Marso 27, na may limitadong bilang lang ng mga panauhin na papayagan sa studio ng TV5Media Center sa Mandaluyong, habang ang natitirang mga awardee […]
-
McGregor talo na naman nabalian pa sa ankle sa 3rd fight kay Pornier
Lumasap na naman ng talo ang kontrobersiyal na si Conor McGregor sa kamay ng kanyang karibal na si Dustin Poirier sa pamamagitan ng TKO sa UFC 264. Nangyari ito sa first round lamang ng ikatlong nilang fight na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas. Ang dalawang ay long time rival […]
-
PhilHealth: Membership database ‘di napasok ng ’Medusa’ cyber attack
TINIYAK ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ang kanilang membership database ay hindi naapektuhan ng naganap na Medusa ransomware attack, na naging sanhi upang mapilitan ang ahensiya na i-shutdown muna ang kanilang online systems. Sinabi ni PhilHealth president at CEO Emmanuel Ledesma Jr. na hindi nagalaw ng hackers ang kanilang membership […]