• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tentative list ng mga kandidato para sa 2022 polls inilabas na ng Comelec

Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 29, ang tentative list ng mga kandidato para sa national at local elections sa 2022.

 

 

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na maari nang makita ang tentative list ng mga kandidato para sa halalan sa susunod na taon sa kanilang website na comelec.gov.ph.

 

 

Hinimok ni Jimenez ang mga napabilang sa naturang listahan na suriin ng husto ang spelling ng kanilang pangalan, at kapag may mapunang kamalian ay kaagad na magsumite ng request para sa corrections.

 

 

Sa tentative list ng Comelec, natukoy na mayroong 97 presidential aspirants, 28 vice presidential aspirants, at 174 naman ang senatorial aspirants.

 

 

Bukod dito, inilabas na rin ng poll body ang tentative list din ng mga kandidato para naman sa local positions at mga tatakbo sa Kamara.

 

 

Ang naturang mga listahan ay ibinase sa initial evaluation ng Certificates of Nomination, Certificates of Candidacy at Certificates of Nomination and Acceptance na ginawa ng poll body.

 

 

Nauna nang sinabi ni Jimenez na inaasahang mailalabas ng Comelec ang official list ng mga kandidato sa general elections sa 2022 pagsapit ng Disyembre. (Gene Adsuara)

Other News
  • Graduation, recognition rites, hindi dapat gamitin bilang political forum

    ANG PAGSASAGAWA ng End-of-School-Year (EOSY) rites ay dapat na maging malaya mula sa anumang electioneering at partisan political activity.     Sa virtual press briefing, inulit ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary for Curriculum and Instruction Alma Torio ang mahigpit na pagsunod sa DepEd Order No 48 s. of 2018 o “Prohibition of Electioneering […]

  • LALAKI, NAIPIT NG SASAKYAN HABANG NAGKAKABIT NG GPS

    NASAWI ang isang 32-anyos na lalaki nang naipit ng isang tractor head nang paandarin ng driver nito  habang nagkakabit  ng GPS sa likuran ng kasunurang tractor head sa Port Arae, Manila Huwebes ng umaga.     Naisugod pa sa Philippine General Hospital ang biktimang si Jay Mark Kee ng 118 Unit 8 Gen Tinio St. […]

  • A2 group o grupo ng mga Senior, nananatiling pinakamababang hanay na nagpapaturok ng bakuna laban sa COVID-19

    PATULOY ang panawagan ng paamahalaan sa mga senior citizens o mga lolo’t lola na magpabakuna na.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na ang mga lolo’t lola ang pinakadelikado sa pinangangambahang Delta variant na mas mabilis ang transmission kaysa sa nauna nang COVID 19.   “So success po tayo sa ating mga health frontliners. […]