TerraFirma Dyip taob sa Magnolia; bokya pa rin sa PBA bubble
- Published on November 7, 2020
- by @peoplesbalita
PINADAPA ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok ang TerraFirma Dyip, 103-89, sa kanilang banggaan sa PBA Philippine Cup na ginaganap sa bubble sa Angeles University Gym sa Angeles, Pampanga.
Tila bumangga sa pader ang Dyip sa pagharap sa Magnolia dahil tambak ang inabot nito at hindi nakayanan ang lakas ng opensa at depensa ng Hotshots.
Nanguna sa panalo ng Hotshot sina Paul Lee na kumamada ng 29 points sa at Romy Dela Rosa na may 17 puntos habang umambag din sa Ian Sanggalan ng 16 points.
Kinapos naman ang pagnanais ni CJ Perez na makuha ang unang panalo ng kulelat na Dyip matapos itong kumana ng 19 points para sa koponan.
May apat pang natitirang laro ang Dyip at umaasa ang koponan na makukuha nila ang kanilang unang panalo sa bubble.
Sunod na haharapin ng Dyip ang Blackwater Elite bukas (Biyernes) habang ang Magnolia ay haharap kontra sa Northport sa Linggo.
-
Marcial target isabak sa Agosto
SA AGOSTO ang posibleng ikatlong professional fight ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial. Ito ang inihayag ng Pinoy pug ilang araw matapos masungkit ang kanyang ikaapat na sunod na gintong medalya sa Southeast Asian Games na ginanap kamakailan sa Hanoi, Vietnam. Ayon kay Marcial, wala pang eksaktong petsa ng […]
-
Paglagapak ng Pinas sa corruption perception index ranking, “not a govt failure”- Malakanyang
ITINANGGI ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang pagbagsak ng Pilipinas sa ranking sa Transparency International’s 2021 corruption perception index ay dahil sa may pagkukulang o pagkabigo ng gobyerno. Sinabi ni Nograles na ang bansa ay naka-iskor sa ibang indicators sa nasabing usapin. “We have the Open […]
-
‘Di kayang pagsabayin ang showbiz career at lovelife: MARCO, sobrang ka-close si JAKE kaya ‘di liligawan si KYLIE
PRODUCER na rin ang actress na si Lovi Poe ng sarili niyang kumpanya. At ang maganda pa, hindi lang pang-local ang market niya, pang-international din. Gusto raw niyang ituloy ang legacy ng kanyang ama na si Fernando Poe Jr., ang dating Hari ng Pelikulang Filipino na may FPJ Films. This time, […]