• December 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Teves, binigyan ng 24 oras ultimatum ng House

BINIGYAN ng ultimatum na 24 oras si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. para pisikal na dumalo sa pagdinig ng House Committee on Ethics.

 

 

Kaugnay ito ng isinasagawang imbestigasyon ng nasabing komite sa pag-expire ng travel authority ni Teves noong Marso 9.

 

 

Sinabi ni committee chair Rep. Felimon Espares na hindi nila pinahintulutan na via online magpartisipa si Teves sa pagdinig ng komite. Nais nilang marinig ang paliwanag ni Teves sa patuloy nitong pag-absent sa pagdinig ng komite.

 

 

Ayon kay Espares sa sandaling mabigo si Teves na pisikal na ma­kadalo sa pagdinig ay dito na sila magdedesisyon kung dapat itong manatili bilang Kongresista o mapatalsik na bilang miyembro ng Kamara.

 

 

“He (Teves) need to physically attend the hearing, if he failed we will finally decide on his sanctions and he will be meted with disciplinary actions,” ani Espares.

 

 

Samantala tumanggi naman si Espares na idetalye sa media kung saang bansa naroroon si Teves matapos na sabihin ni Justice Secretary Boying Remulla na wala na ito sa Estados Unidos.

 

 

Magugunita na umapela si Speaker Romualdez kay Teves para umuwi na sa bansa at harapin ang kaniyang kaso.

 

 

Sa pamamagitan na­man ng kanyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio ay hiniling ni Teves sa Kamara na payagan siyang mag-privelege speech via online upang sagutin ang mga isyu laban sa kanya. (Daris Jose)

Other News
  • Ardina, Pagdanganan pasok sa Cambia finals

    PAREHONG nagsumite sina veteran Dottie Ardina at rookie Bianca Pagdanganan ng even-par 72 upang pumasok sa 80 sa cutoff at nakasigurado na ng cash prizes sa penultimate playdate nitong Linggo (oras sa Maynila) ng Cambia Portland Classic sa Columbia Edgewater Macan Course sa Oregon.   Kaya lang buhat mula 16-way tie sa 23rd place sa […]

  • ‘Di na 10 years old para pagsabihan sa gustong gawin: NADINE, ‘di nakapagpigil na talakan ang mga nagmamarunong sa buhay niya

    HINDI na napigilan ni Nadine Lustre ang talakan ang mga pakialamero’t pakialamera sa buhay niya sa social media.     Masyado raw maraming marites sa buhay niya at gusto niyang pabayaan na siya ng mga ito dahil unang-una ay hindi na raw siya bata para pagsabihan.     Marami kasi ang nag-comment sa pinost ni […]

  • Rockets star player Westbrook balik ensayo na matapos gumaling na sa COVID-19

    Labis ang pasasalamat ni Houston Rockets point guard Russell Westbrook dahil sa nakasama na siya sa ensayo ng koponan.   Ito ay matapos na makakuha ng clearance na maglaro ng magpositibo ito sa coronavirus noong nakaraang mga linggo.   Sinabi nito na nanatili lamang ito sa loob ng bahay ng ilang linggo.   Sinabi naman […]