Teves dadalo sa Senate probe ng Degamo slay
- Published on April 15, 2023
- by @peoplesbalita
DADALO “virtually” si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie Teves Jr. sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo, ayon kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Si Teves ang itinuturo ng Department of Justice (DOJ) na utak at financier sa pagpatay kay Gov. Degamo batay sa mga inisyal nilang nakalap na impormasyon at testimonya ng mga nadakip na suspek sa krimen.
Ayon kay Dela Rosa, nagpaabot ng commitment at kinumpirma ni Teves sa pamamagitan ng kanyang Secretary na haharap siya sa pagdinig ng komite ‘virtually’.
Sinabi ni Dela Rosa na napakahalagang makuha ng kanyang komite ang panig ni Teves.
Wala rin umanong problema sa kanya ang pakay ni Teves sa desisyon nitong dumalo sa pagdinig ng Senado at linisin ang kanyang pangalan.
Maaaring ihayag ni Teves ang anumang gusto nitong sabihin at siya bilang chairman ng komite ay naroroon naman para kontrolin ang magiging takbo ng pagdinig.
Tiniyak din ni Dela Rosa na hindi niya hahayaang magamit ni Teves sa ‘grandstanding’ ang committee hearing.
Giit pa ng Senador na hindi niya batid kung anong motibo ni Teves na mas pinili nitong makipag-cooperate sa Senado sa halip na sundin ang panawagan ni Speaker Martin Romualdez na umuwi na ng bansa.
Nilinaw naman niya na kung biglang hindi na dadalo sa pagdinig ?sa Abril 17 si Teves ay hindi naman ito maaaring mai-cite for contempt dahil may ‘interparliamentary courtesy’ na dapat sundin at kilalanin ng Kongreso. (Daris Jose)
-
Nakakikilig ang celebration ng 3rd anniversary: ARJO to MAINE, “Life with you just keeps getting better”
NAG-CELEBRATE ng third anniversary sina Arjo Atayde at Maine Mendoza as sweethearts sa pamamagitan ng isang romantic sunset cruise last December 21. Pinost ni Maine sa kanyang IG account ang mga romantic photos nila ni Arjo na may caption na, “Happy third,” na kuha sa isang yate na may mga red baloons at […]
-
Sundalo at pulis, kasama sa prayoridad na mabakunahan ng Covid -19 vaccine
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga sundalo at mga pulis ay kasama sa prayoridad na mabakunahan sa oras na maging available na ang COVID-19 vaccine at handa na para ipamahagi. Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay inulit nito ang kanyang mga nagdaang pahayag na iprayoridad ang mga pulis […]
-
Denden umawra sa Olympic website
PAGKARAAN ni volleyball ‘phenom’ Alyssa Valdez na rumampa sa website ng Olympic Channel si “Iron Eagle” Dennise Michelle ‘Denden’ Lazaro-Revilla naman ang sumunod. Tinampok sa sports website ang volleyball career at achievements ng former national team libero, University Athletic Associoation of the Philippines (UAAP), at incoming player ng Choco Mucho Flying Titans sa pagtawid […]