• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Teves, hari-harian sa Negros Oriental – Mayor Degamo

INILAHAD  ni Pamplona Mayor Janice Degamo ang ginagawang paghahari-harian ni suspended Cong. Arnolfo Teves Jr., at kanyang mga kaanak sa kanilang lalawigan sa Negros Oriental.

 

 

Sa pagdinig ng Senado patungkol sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, direktang itinuturo ni Mayor Degamo si Teves na may kinalaman sa mga nangyayaring patayan sa kanilang probinsya

 

 

Ipinakita ni Mayor Degamo ang listahan ng 49 na mga biktima ng pagpatay sa Negros Oriental mula 2007 at ang mga kasong ito ay konektado dahil lumalabas sa ilang mga kaso na pareho ang suspek sa pagpaslang patunay na may private armed groups ang mga Teves.

 

 

Bukod dito, kinatatakutan din ang pamilya sa kanilang lugar dahil kapag ang mga Teves ang kalaban at inireklamo walang abogadong gustong tumanggap sa kaso at minsan pa aniya ang piskalya pa ang magrerekomenda na huwag nang ituloy ang reklamo.

 

 

Maging ang Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Environment of Natural Resources (DENR) at Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang lalawigan ay takot din sa mga Teves dahil sa pangamba na baka raw sila ay mapatay.

 

 

Ibinahagi rin ni Mayor Degamo ang impormasyon na tuloy pa rin ang iligal na e-sabong sa kanilang probinsya na minamanduhan ng anak ng kongresista na si Kurt Matthew Teves at may proteksyon mula kay dating Gov. Pryde Henry Teves.

 

 

Itinanggi naman ni dating. Gov. Pryde Teves ang akusasyon ng Alkalde at sinabi rin nitong nakapagsumite na siya ng waiver sa Department of Justice (DOJ) para masilip ang kanyang bank accounts upang patunayan na wala siyang iligal na aktibidad. (Daris Jose)

Other News
  • Wagi rin sina Dennis. Juancho at Barbie: ANDREA, pararangalan sa ‘7th GEMS Awards at kinabog si JULIE ANNE

    NAG-POST si Suzette Doctolero, creative writer ng “Maria Clara at Ibarra,” ng listahan ng mga nagsipagwagi sa 7th GEMS Awards.        Ang GEMS – Hiyas ng Sining ay isang samahang nagbibigay pagkilala sa mga katangi-tanging alagad ng sining sa larangan ng Panulat, Digital, Tanghalan, Radyo, Telebisyon at Pelikula.     Sa ikapitong taong pagpaparangal […]

  • Namamayagpag pa rin sa Netflix… Pinoy movie na ‘Lolo and the Kid’, patuloy na umaani ng papuri

    PATULOY na namamayagpag sa Netflix ang Filipino movie na Lolo and the Kid.         Kaugnay nito, patuloy din itong umaani ng papuri at iba’t ibang reaksyon mula sa viewers.         Sa social media, mababasa at mapapanood ang ilang review at komento ng mga Pinoy tungkol sa palabas.     […]

  • PBA finals apektado ng sunog sa Big Dome

    IMBES na sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum ay sa ibang venue lalaruin ang Game Six ng PBA Governors’ Cup Finals sa pagitan ng nagdedepensang Barangay Ginebra at Meralco.     Ito ay matapos pasukin ang venue ng makapal at mabahong usok mula sa sunog sa isang construction site na katabi ng Big Dome kahapon ng […]