• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Teves kinasuhan na ng multiple murder

SINAMPAHAN na kahapon ng kasong murder sa Department of Justice (DOJ) si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. kaugnay ng pagiging utak umano sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo at siyam na iba pa.
Bago mag-alas-11 ng umaga nang dumating sa DOJ ang mga opisyal at tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pangunguna ni Director Medardo de Lemos bitbit ang mga kahon ng dokumento base sa nakalap nilang mga impormasyon at ebidensya sa ikinasang imbestigasyon sa kaso.
“It’s ongoing. The [National Bureau of Investigation is here already. I was told by Director de Lemos that they are coming over to file the complaint,” ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Sinabi ni Remulla na nahaharap si Teves sa 10 bilang ng kasong murder, multiple frustrated murder at multiple attempted murder.
Sa pormal na ­pagsampa ng reklamo, bibigyan naman umano ng oportunidad si Teves na maghain ng kaniyang counter-affidavit. Ito ay kung makababalik na sa bansa si Teves na kasalukuyang nagpapa­lipat-lipat umano ng kinaroroonan sa ibang bansa sa Asya.
“He has to come home or they will file the case in court and the warrant will be issued in absentia,” paliwanag ni Remulla.
Una nang sinampahan si Teves ng multiple murder kaugnay ng insidente ng pagpaslang noong 2019 at kasong illegal possession of firearms and explosives. Inumpisahan na rin ang proseso ng pagtukoy sa kaniya bilang isang terorista.
Unang nakatakda na ihain ang kaso laban kay Teves nitong nakaraang Lunes ngunit naantala ito makaraang manahimik umano ang mga nadakip na suspect-witness nang bigla silang bigyan ng pribadong mga abogado. (Daris Jose)
Other News
  • PDu30, magpapaturok ng Covid-19 vaccine pero hindi isasapubliko-Sec. Roque

    TINIYAK ng Malakanyang na magpapaturok ng COVID-19 vaccine si Pangulong Rodrigo Roa Duterte subalit hindi ito ipakikita sa publiko. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang desisyon na ito ng Pangulo ay matapos na ihayag nito sa publiko na ang mga frontliners at vulnerable sectors ang makakakuha ng unang bakuna habang siya ay magpapahuli […]

  • Bagong ‘Walang’ Gutom Kitchen makatutulong na mabawasan ang pag-aaksaya ng pagkain – DSWD

    SINABI ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ang “Walang Gutom” (Zero Hunger) Kitchen, pinakabagong ‘convergence initiative’ ng departamento ay makatutulong na mabawasan ang pag-aaksaya ng pagkain sa bansa.     “This Walang Gutom Kitchen is a food bank kung saan ang private sector at ang public sector ay magsasanib […]

  • 9 ANYOS DINALIRI

    SWAK sa kulungan ang isang 30-anyos na lalaki matapos na magreklamo ang isang 9 anyos menor de edad na kanyang dinaliri sa likod ng isang truck,kamakalawa ng gabi sa Tondo,Maynila.   Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 7610 na inamiyendahan bilang RA 8353 ang suspek na si Israel Barrera , ng 799 Fabia St.,Tondo dahil […]