Text msgs na naghihikayat sa publiko na magpabakuna na, hindi galing kay PDu30, mayor sara- Sec. Roque
- Published on June 5, 2021
- by @peoplesbalita
PINABULAANAN ng Malakanyang na ito ang nasa likod ng di umano’y text messages mula kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na hinihikayat ang mga Filipino na magpabakuna na laban sa Covid-19.
May ilan kasing Filipino ang nakatanggap ng text messages mula sa “unknown numbers” na hinihikayat ang mamamayang filipino na magpabakuna na.
Ang text message ay mayroon pang “from President Duterte at Mayor Sara Duterte #SafePilipinas #SafeDavao.”
Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi rin nanggaling sa kanyang tanggapan ang nasabing text messages sa kabila ng kinikilala nito na si Pangulong Duterte ay “best communicator” para tulungan na mapalakas ang vaccine confidence sa mga Filipino.
“Ako po ‘yung in charge sa communications pagdating po sa bakuna and I can say na bagamat ang Presidente po ang best communicator, hindi po kami nagpakalat ng ganyang text ,” ani Sec. Roque.
Nito lamang araw ng Miyerkules ay lumabas sa isang government infomercial si Pangulong Duterte kung saan iniimbitahan ang mga Filipino na magpabakuna laban sa Covid-19, binigyang diin ng Chief Executive na ito ang susi para matalo ang pandemiya.
“I invite all our kababayans to be vaccinated at the earliest possible opportunity because this is the most, if not the only way, effective way to defeat Covid-19 pandemic,” ang pahayag ng Pangulo sa kanyang two-minute commercial.
Pinaalalahanan nito ang publiko na magpabakuna na para sa kanilang sarili at para sa kanilang mga mahl sa buhay.
“Let us all keep in mind that the vaccine will not only protect you from the virus, it will also protect your loved ones, especially the sick and elderly,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Saso ginantimpalaan ng P1.099M
PINOSTE ni Yuka Saso ang maangas na laro sa tatlong araw, tumipa ng five-under 67, pero mabuting panabla lang kasama ang tatlong iba para sa pangwalong puwesto sa wakas kamakalawa (Linggo) ng 51 st Descente Ladies Tokay Classic na pinanalunan ni Nippon Ayaka Furue sa Shinminami Country Club-Mihami Course sa Aichi Prefecture , Japan. […]
-
P15 million adhesive cement products, nasamsam ng NBI
NASAMSAM ng National Bureau of Investigation (NBI) ang P15 milyong halaga ng pekeng adhesive cement products sa magkahiwalay na bodega sa National Capital Region at sa Central Luzon kasunod ng reklamo ng isang kumpanya. Sa ulat, sinalakay ng NBI Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) ang mga tindahan at bodega sa Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, […]
-
Muntik nang mapaiyak sa last taping day ng ‘Daddy’s Gurl’: CARLO, ‘di makalilimutan ang karanasang nakatrabaho sina Bossing VIC at MAINE
MUNTIK na raw mapaiyak si Carlo San Juan sa last taping day nila para sa sitcom na ‘Daddy’s Gurl’ na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza. Gumanap si Carlo sa naturang comedy show bilang si CJ. Malapit na ang pagtatapos sa ere ng sitcom at ayon mismo kay Carlo ay napamahal na […]