Text scams, maaaring galing sa labas ng Pinas-DICT
- Published on September 13, 2022
- by @peoplesbalita
MAAARING galing sa labas ng Pilipinas ang nasa likod o surce ng personalized text scams o unsolicited text messages.
Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Alexander Ramos, nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang international counterparts para idetermina kung mayroon silang naitala na magtuturo sa IP address ng destination servers na sangkot sa text scams.
“Meron na kaming leads kung saan talaga ito nangyayari. Ang theory namin dito ay hindi ho ito local. Nagkataon lang na ang sistema is parang automated,” ayon kay Ramos.
“Ito ay hindi nangyayari sa Pilipinas lang, nangyayari rin ito sa ibang bansa kaya it’s a bigger effort, a bigger investigation para matukoy itong destination sites,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi pa rin ni Ramos, isa ring Executive Director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na iniimbestigahan na ng National Privacy Commission kung mayroong servers ang na-hacked, subalit walang natuklasan.
Tinitingnan din ng mga ito ang pagbili ng bultong SIM cards upang matunton kung saan nagmumula ang text spams.
“Isa ‘yan sa paraan sa pag-trace sa pinag-orderan ng telco companies, na produce [nila] ang listahan kung sino ang mga individual o mga dealer… Isa ‘yan sa mga leads natin sa direksyon kung saan nagagamit itong SIM cards na ‘to,” ani Ramos.
Aniya pa, nagsasagawa na rin sila ng parallel investigation sa inarestong Chinese at South Koreans na di umano’y sangkot sa pagpapalaganap ng text scams sa bansa.
“Ang kanilang binibiktima, mga kababayan din nila sa ibang bansa. So, may parallel, pero ibang scheme naman ‘yan, ibang technique ‘yan,” anito.
Samantala, dalawang South Korean national na wanted sa P1 bilyon telephone scam ang bumagsak sa kamay ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isinagawang operasyon sa BF Homes sa Paranaque City.
Kinilala ni CIDG chief Brig. Gen. Ronald Lee ang mga suspek na sina Juyeon Lee at Seung Yeol Lim na inaresto ng magkasanib puwersa ng joint operations ng CIDG, Anti-Transnational Crimes Unit and Intelligence Division ng South Korea at Bureau of Immigration (BI) agents.
Ayon kay Lee, ang 2 suspek ay kabilang sa red notice na inilabas ng International Criminal Police Organization (Interpol) dahil sa pagkakasangkot sa transnational crime.
Natuklasan sa imbestigasyon ng Interpol na sina Lee at Lim ay kabilang sa big-time telephone scam syndicate na kumikilos sa Pilipinas mula 2015 hanggang 2016 at nagpapakilalang mga bank officials at call center agent para maka pambiktima.
Si Lee ang tumatayong boss na nag-o-operate ng voice phishing call centers sa ilang malalaking opisina sa Metro Manila. Nabatid na nakakulimbat na ang grupo ng halos US$3.7 million (halos P210 million) sa 215 mga biktima sa loob lamang ng 6 na buwan.
Sa halos isang taon ng operasyon ng grupo umaabot na sa P1 bilyon ang kabuuang natangay ng sindikato. (Daris Jose)
-
Gilas Pilipinas nananatili sa ranked 34 sa FIBA World Ranking
Napanatili ng Gilas Pilipinas ang kanilang pang-34 na puwesto sa FIBA World Ranking. Inilabas ng FIBA ang world rankings matapos ang matagumpay na panalo ng Gilas sa New Zealand 93-89 ganun din sa Hong Kong sa score na 93-54. Dahil sa nasabing panalo ay tiyak na ang pagpasok nila sa FIBA […]
-
WHO nagsagawa ng emergency meeting dahil sa mga bagong variants ng COVID-19
Nagsagawa ng emergency meeting ang World Health Organization (WHO) para talakayin ang banta nang mabilis na pagkalat ng mga bagong variants ng coronavirus. Ito ay matapos na napilitang magpatupad ng panibagong mga restrictions ang iba’t ibang bansa na nakakaranas nang pagsirit ng COVID-19 cases bunsod nang mutation ng virus. Kadalasan kada tatlong buwan […]
-
PBBM, nagdeklara ng State of Calamity sa mga ‘Paeng’-hit regions
INILAGAY ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Region IV-A (Calabarzon), Bicol Region, Western Visayas, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa ilalim ng state of calamity sa loob ng anim na buwan. Ito’y bunsod na rin ng matinding pagkawasak ng mga nasabing lugar dala ng Severe Tropical Storm “Paeng.” Nauna rito, nagpalabas […]