• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Thurman humirit ng rematch kay Pacquiao

Umaasa si dating boxing champion Keith Thurman na muli niyang makakaharap si Manny Pacquiao.

 

Sinabi nito na nais niyang mabawi ang kaniyang titulong WBA “super” welterweight champion.

 

Hindi aniya ito titigil na hamunin ng rematch ang fighting senator hanggang sa magretiro ito.

 

Dagdag pa nito na makakaharap sana nito IBF at WBA welterweight champion Errol Spence kung hindi ito natalo kay Pacquiao.

 

Magugunitang tinalo ni Pacquiao sa pamamagitan ng split decision si Thurman sa kanilang paghaharap noong July 2019.

Other News
  • Tuluy-tuloy ang pag-arangkada ng serye: ‘Black Rider’ ni RURU, naungusan na ang katapat na palabas

    TULUY-TULOY ang pag-arangkada sa primetime ng serye ni Ruru Madrid na ‘Black Rider’ at nitong Miyerkules nga ay naungusan na nito nang tuluyan ang katapat na palabas.       Nagtala ito ng people rating na 12.5 percent sa National Urban TV Audience Measurement overnight ratings nitong January 24, habang 12.2 percent naman ang nakuha […]

  • PBBM, hinikayat na ipawalang-bisa ang free tuition law, palawigin ang voucher program

    HINIKAYAT ng advocacy group na  Foundation for Economic Freedom (FEF) ang administrasyong Marcos na ipawalang-bisa ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na naglalayong magbigay ng libreng tuition para sa mga state universities at colleges.     Sa isang virtual forum kung saan tinalakay ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinan […]

  • DOH pinaghahanda sa lalo pang maluwang na Alert Level 2

    Pinaghahanda na ng Department of Health ang lahat ng local government units (LGUs) sa Pilipinas na maghanda sa dahan-dahang pagluluwag pa lalo ng COVID-19 restrictions kasunod ng lalong pagbaba ng mga kaso nationwide.     Ang nabanggit ay sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos banggitin ni Interior spokesperson Jonathan Malaya na posibleng ilagay […]