Tiamzon umayuda sa mga taga-Bicol
- Published on December 9, 2020
- by @peoplesbalita
NAGPADALA ng tulong sa isa sa mga sinalantang lugar ng ilang dumaang bagyo sa bansa si Premier Volleyball League (PVL) ace skipper Nicole Anne Tiamzon na nang magpunta sa Bicol.
“Tagal ko ng gusto magpunta ng Albay para makita ang Mayon. Pero hindi ko inaasahan na sa unang pagbisita ko sa probinsya ay maghahatid pala ako ng relief goods para sa mga kababayan natin doon,” post ng BanKo Perlas Spikers open hitter sa Instagram niya Linggo.
Hinirit ng 25-taong gulang,may taas na 5-6 na dalagang balibolista:
“Nakita ko mismo ‘yung mga bahay na mga sinalanta ng bagyo pati ang malalaking bato na gumulong at sumira sa kanilang mga bahay.”
Pinapurihan at pinasalamatan naman ni Tiamzon ang mga nakasangga niya sa pagpunta sa naturang lalawigan na kinabibilangan ng Spike and Serve Philippines Inc., Volleyball Community Gives Back at BanKo Perlas Spikers. (REC)