• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tiangco brothers nagpasalamat kay Sen. Go sa binigay na tulong sa mga nasunugan sa Navotas

NAGPAHAYAG ng kanilang taos pusong pasasalamat si Navotas City Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco kay Senator Bong Go sa ibinigay niyang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog kamakailan sa naturang lungsod.

 

 

Personal na binisita ni Senator Go para kamustahin ang kalagayan ng nasa 106 mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa naganap na sunog sa Sitio Puting Bato, Brgy. NBBS Proper.

 

 

Namigay si Sen. Go ng food packs, vitamins, face masks, pagkain, at 1 Box na naglalaman ng kanyang mga damit. May mga nakatanggap ng mga bisikleta, tablets, sapatos, at mga bolang panlaro ang pinamigay.

 

 

Aniya, dama niya ang hirap ng masunugan ng bahay at mawalan ng mga gamit kaya hindi siya nag-aatubiling umaksyon agad upang maghatid ng tulong. Dalangin niya na makaahon kaagad at makabalik sa normal nilang pamumuhay ang mga naapektuhan ng sunog.

 

 

Ayon kay Mayor Tiangco, sa pakikipag-ugnay ng kanyang tanggapan sa DSWD, nabigyan ng tulong pinansyal ang mga nasunugan.

 

 

Katuwang din ang DOH, DTI at NHA, nakatanggap ang mga apektadong pamilya ng mga gamot at nabigyan ng kaalaman tungkol sa mga programang maaari nilang makuha mula sa nabanggit na mga ahensya. (Richard Mesa)

Other News
  • Hindi pa tuluyang napupuksa ang korapsyon sa bansa

    AMINADO ang Malakanyang na hindi pa tuluyang napupuksa ang korapsyon sa bansa sa kabila ng patuloy na pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pigilan ang problemang ito ng pamahalaan.   Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tanggap ng kasalukuyang administrasyon ang papaitaas na laban sa korapsyon.   Dahil dito, binibigyan lamang ni Sec. Roque […]

  • Kapasidad ng LGUs sa DRRM at Climate Change palalakasin pa – DILG

    TINIYAK ni DILG Sec Jonvic Remulla na kanilang palalakasin pa ang kapasidad ng mga local government units sa disaster risk reduction management at climate change batay sa ipinag-uutos sa saligang batas.     Ginawa ni Sec. Remulla ang pahayag sa ginanap na Local and Regional Government Assembly, Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction.   […]

  • Aiko, ‘back to work’ matapos ang COVID scare; Alden, mis na ang lola sa Laguna

    Nakahinga na ng maluwag si Aiko Melendez kasunod ng saglit lamang ng isolation matapos magkaroon ng ilang sintomas ng Coronavirus Disease (COVID).   Negatibo kasi ang nakuha nitong resulta sa swab test kaya kaagad ding pinabalik sa trabaho.   Kuwento ng 44-year-old actress, ang pagkawala ng kanyang panlasa ay dahil pala sa tonsilitis o pamamaga […]