• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TIANGCO BROTHERS NAKATANGGAP NG OUTSTANDING PUBLIC SERVANTS AWARD MULA SA RPMD

TUMANGGAP ng recognition sina Navotas Mayor John Rey Tiangco at Representative Toby Tiangco bilang 2023 Outstanding Public Servants mula sa RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD).

 

 

Nabanggit ng RPMD na ang parangal ay magsisilbi bilang isang “direct reflection of the unwavering support and resounding endorsement from the constituents of Navotas City, who have voiced their approval and satisfaction with the Tiangco brothers’ service and dedication to their community.”

 

 

Ang Tiangco brothers ay parehong nangunguna sa mga independent survey ng RPMD na regular na isinasagawa upang pasiglahin ang pananagutan, transparency, at epektibong pamamahala sa bansa.

 

 

Kinilala naman ni Mayor Tiangco ang kontribusyon ng mga opisyal at empleyado ng lungsod sa paghahatid ng dekalidad na serbisyo publiko.

 

 

“This award inspires us to continue to devote effective, transparent, and accountable service that our constituents deserve. We need to constantly improve ourselves so we could also elevate the quality of our service to our fellow Navoteños,” pahayag niya.

 

 

Samantala, pinasalamatan ni naman ni Cong. Tiangco ang mga Navoteño sa kanilang matatag na pagtitiwala at suporta.

 

 

“Tagumpay po nating lahat ang mga parangal na ito. Rest assured that we will continue to push for projects, programs, and bills that promote your best interests and well-being,” sabi niya.

 

 

Sa kanyang pahayag, sinabi ni RPMD Executive Director Dr. Paul Martinez na ang pagtutulungan ng mga Tiangcos ay may mahalagang papel sa “transformation of the city into a model of urban development characterized by inclusive growth, enhanced public services, and a heightened sense of community welfare,” paglikha ng isang legacy of public service na tatatak sa darating na mga taon. (Richard Mesa)

Other News
  • “Timing” ng pagbubunyag ng alegasyon ni Pacquiao, kinuwestiyon ng Malakanyang

    KINUWESTIYON ng Malakanyang ang “timing” ng alegasyon ni Senador Manny Pacquiao na mayroong korapsyon sa Department of Health (DOH) sa gitna ng COVID-19 pandemic.   “Sa akin po, absent po siguro si Senator Pacquiao nung nagprisinta ‘yung mga Cabinet secretaries, or kung hindi siya absent he may have been preoccupied with something else,” ayon kay […]

  • Ngayong Chinese New Year: “Pursue grand ambitions not only for ourselves but for the greater good”-PBBM

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Filipino-Chinese community na  ituloy lamang ang kanilang “grand ambitions” hindi lamang sa sarili kundi para sa mas ikabubuti ng lahat. Nakiisa kasi  ang Pangulo sa  Filipino-Chinese community, araw ng Miyerkules, sa pagdiriwang ng mga ito ng  Chinese New Year, Isang maningning na pang-kultural na na sumisimbolo sa […]

  • NASYUNAL AT LOKAL MAGTULUNGAN SA PAGBIBIGAY NG HANAPBUHAY

    DAPAT magtulungan ang national at local  government units  upang  mapalakas ang pagbibigay ng hanapbuhay  at mabigyan ng kaalaman ang mga manggagagawa.     Sinabi  ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III  nang pangunahan nito ang pagpapasinaya ng Bulacan Public Employment  Service Office (PESO) building sa Malolos, Bulacan.     Pinasalamatan naman ng kalihim  si  Bulacan  […]