• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TIANGCO BROTHERS NANGUNA SA WORK PERFORMANCE POLL

NASUNGKIT nina Navotas Representative Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco ang una at ikalawang puwesto sa survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa unang taon na pagganap ng mga mayor at mga kinatawan ng Metro Manila.

 

 

Si Cong. Tiangco ay nangunguna sa Boses ng Bayan poll para sa Top Performing Metro Manila legislators na may 93.8% approval rating at 95.1 trust rating na ibinase sa District Representation, Legislative Performance at Constituent Service.

 

 

“I am grateful and inspired by the steadfast support and trust given to me by our people.  Navoteños can rest assured that we will continue to push for projects, bills, and other social services – such as medical assistance, TUPAD, and guarantee letters at government hospitals – that would serve their best interests and promote their well-being,” ani Cong. Toby.

 

 

Habang si Mayor Tiangco naman ay nakakuha ng 92.1% approval at 93.5% trust ratings.

 

 

“We thank Navoteños for their high regard for our brand of governance, and for their faith and trust in the work we do.  They deserve no less than an effective, transparent, and accountable government that addresses their needs and helps them achieve their aspirations of a better life,” pahayag ni Mayor Tiangco.

 

 

Ang Boses ng Bayan poll ay ginanap noong Hunyo 28-Hulyo 8, 2023 na nilahukan ng may 10,000 random na napiling mga rehistradong botante.

 

 

Samantala, inihayag kamakailan ng Pamahalaang Lungsod na malapit na itong magtayo ng isang super health center kung saan ang mga Navoteño ay maaaring gumamit ng laboratoryo, dental, birthing, at iba pang serbisyong pangkalusugan.

 

 

Kasama ring itatayo ang Bahay Kalinga na magsisilbi namang pansamantalang tahanan ng mga inabandonang matatanda at kababaihan o mga bata na nakaligtas sa pang-aabuso.

 

 

Ani Mayor John Rey, nag-donate ang National Housing Authority (NHA) ng 728 sq.m. lote sa Ayungin St., Brgy. NBBS Kaunlaran na gagamiting site para sa nasabing mga pasilidad kung saan nilagadaan niya, kasama si NHA General Manager Joeben Tai ang kasulatan ng donasyon at pagtanggap noong 10 Hulyo 2023. (Richard Mesa)

Other News
  • Mga tren sa Metro Manila mananatili sa 70% passenger capacity – DOTr

    Mananatili sa 70 percent ang pinapahintulutang passenger capacity sa lahat ng mga tren sa Metro Manila kahit pa simula bukas, Enero 3, ay ilalagay na ulit ang National Capital Region sa ilalim ng Alert Level 3.     Ayon sa Department of Transportation (DOTr), patuloy pa rin naman ang pagpapatupad sa mga health protocols sa […]

  • Truck ban sa Roxas Boulevard, ipapatupad ng MMDA

    INAPRUBAHAN ng Metro Manila Council (MMC) ang pagpapatupad ng pansamantalang truck ban sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa layuning maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa gitna ng patuloy na konstruksyon sa lugar.     Sinabi ni Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) acting chairman Carlo Dimayuga III na ang pansamantalang truck ban ang nakitang solusyon ng […]

  • Nominado naman sa ‘2023 BAFTA Film Awards’: DOLLY, patuloy na umaani ng tagumpay at pagkilala dahil ‘Triangle of Sadness’

    PATULOY na umaani ng tagumpay at pagkilala abroad ang Filipina actress na si Dolly de Leon dahil nominado naman siya sa  2023 BAFTA Film Awards sa United Kingdom para sa pelikulang “Triangle of Sadness.”     Muli niyang makakalaban sa naturang kategorya sa BAFTA si Angela Bassett mula sa Black Panther: Wakanda Forever at sina Hong Chau (The […]