Tiger Woods, umatras sa mga sasalihang torneyo matapos sumailalim uli sa back surgery
- Published on January 23, 2021
- by @peoplesbalita
Napilitan si golf superstar Tiger Woods na umurong muna sa mga lalahukan sana nitong torneyo makaraang sumailalim muli sa back surgery.
Una rito, inanunsyo ng kampo ni Woods na sumalang ito kamakailan sa isang microdiscectomy surgery para tanggalin ang pressurized disc fragment sa kanyang likod.
Kaya naman, hindi muna maglalaro si Woods sa Farmers Insurance Open sa Torrey Pines, maging sa Genesis Invitational sa Riviera, na gaganapin mula Pebrero 18 hanggang 21.
Sa isang pahayag, sinabi ng kampo ng 15-time major winner na naging matagumpay ang operasyon at inaasahan din ng mga doktor na gagaling ito nang tuluyan.
Ayon naman kay Woods, sisikapin niya raw na makarekober agad nang makabalik na rin ito sa paglalaro ng golf.
“I look forward to begin training and am focused on getting back out on tour,” wika ni Woods.
Hindi naman nagbigay si Woods ng petsa kung kailan ito posibleng magbalik-aksyon.
-
Malakanyang, umapela sa publiko na sundin na lang ang naging pasya ng Metro Manila Mayors ukol sa pagbabawal ng outdoor exercises
UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na sundin ang anumang napagdesisyunan ng Metro Manila Council (MMC) na may kinalaman sa “no outdoor exercise” sa mga lugar na naka- Enhanced Community Quarantine (ECQ) gaya ng National Capital Region (NCR). Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga alklade Rin naman ang nagpapatupad ng IATF resolutions. […]
-
Evacuation centers na-turn over na ng gov’t sa mga bayan malapit sa Taal Volcano
NA-TURN over na ng pamahalaan ang tatlong evacuation centers sa Batangas kasunod nang pag-aalburuto ng bulkang Taal. Sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo del Rosario, magkakaroon ng inagurasyon sa mga naturang local evacuation centers sa Miyerkules. Matatagpuan ang mga ito sa Santa Teresita, Alitagtag at […]
-
HIGIT 300 TRAINEES NAGTAPOS SA TECH-VOC SKILLS SA NAVOTAS
MALUGOD na tinanggap ng Navotas ang mahigit 347 mga skilled workers matapos ang kanilang pagtatapos sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute. Sa bilang na ito, 20 ang nakakumpleto at nakatanggap ng national certification (NC) I para sa Automotive Servicing, habang 43 ang pumasa sa NC II assessment para sa Barista; […]