• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tigil-pasada naging payapa – PNP

INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na nanatiling mapayapa ang sitwasyon sa kalakhang Maynila sa kabila nang pagsasagawa ng 3-day transport strike ng PISTON (Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide).

 

 

 

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo walang naitatalang untoward incident ang kapulisan batay sa report na ipinadala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa PNP headquarters bagamat nasa 520 mga tsuper ang nakikiisa sa tigil-pasada sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

 

 

Sinabi pa ni Fajardo na hindi naman nagtagumpay ang mga ito na paralisahin ang transportasyon ngayong araw dahil marami namang nag-aalok ng libreng sakay at marami rin ang paaralan ang hindi nagsagawa ng face-to-face classes.

 

 

 

Aniya, mayroon silang sapat na mga tauhan para umalalay sa mga maaabalang motorista at mananakay.

 

 

 

Nabatid na  sa Quezon , Caloocan at Malabon City, bantay sarado  ng mga pulis ang kilos-protesta ng PISTON upang matiyak na makararating  sa kanilang patutunguhan ang mga mananakay.

 

 

 

Ayon  naman kay QCPD Director PBGen. Redrico Maranan, bagamat may mga kilos protestang tulad nito, kailangan pa ring naseserbisyuhan at hindi maaapektuhan ang publiko.

 

 

 

Ang  tigil-pasada ng grupong PISTON ay para tutulan ang itinakdang deadline para sa franchise consolidation application sa mga Public Utility Vehicles (PUVs) sa Disyembre 31.

Other News
  • HVI tiklo sa P120K Marijuana sa Valenzuela

    ISANG tulak ng illegal na droga na listed bilang high value individual (HVI) ang kalaboso matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng marijuana sa buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek na si Carlo Mendoza […]

  • Vendor kulong sa hindi lisensyadong baril sa Valenzuela

    HIMAS-REHAS ang isang mister matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril nang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng isang search warrant sa Valenzuela city.     Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas Nuno, […]

  • Proseso ng Hajj pilgrimage visas, tuloy kahit may COVID-19

    NAG-ABISO ang National Commission on Muslim Filipinos sa mga Pilipinong may balak na sumabak sa Hajj pilgrimage sa Hulyo na ituloy ang paghahanda ng kanilang visa papers para rito.   Ito ay matapos na ianunsiyo ng pamahalaan ng Saudi Arabia na bawal sumabak ang mga dayuhan sa Umrah pilgrimage sa naturang bansa, bilang pag-iingat sa […]