• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tigilan n’yo si Kai! — Kobe Paras

Dumepensa si University of the Philippines (UP) standout Kobe Paras sa mga bashers ni Kai Sotto na bumalik na sa Amerika para makasama ang Ignite sa NBA G League.

 

 

Kaliwa’t kanan ang batikos sa kampo ni Sotto dahil sa umano’y maling mga desisyon nito patungkol sa basketball career ng 18-anyos na player.

 

 

Kaya naman sumaklolo si Paras sa kanyang kaibigan.

 

 

Isang mabibigat na salita ang inilatag ni Paras sa kanyang post sa social media upang depensahan si Sotto.

 

 

Ayon kay Paras, mas makabubuting suportahan na lamang si Sotto sa mga plano nito at maghintay na lamang ng tamang panahon sa bagong update sa kalagayan nito.

 

 

“I will not tolerate any Kai Sotto slander. Instead of talking bad about him and his handlers, why not wait for the final word? Why not just support him and his dreams no matter what?” ayon kay Paras.

 

 

Posibleng naka-relate si Paras sa kasalukuyang sitwasyon ni Sotto.

 

 

Matatandaang nagtu­ngo rin si Paras sa Amerika para subukan ang kanyang kapalaran doon.

 

 

Naglaro si Paras sa iba’t ibang koponan sa Amerika gaya ng Cathedral High School, UCLA, Creighton at Cal State Northridge.

 

 

Ngunit nagpasya ito na bumalik sa Pilipinas para maglaro suot ang Fighting Maroons jersey — ang parehong koponan na pinaglaruan ng kanyang amang si Benjie.

 

 

Kaya naman naglabas ng saloobin si Paras sa kasalukuyang pinagda­raanan ni Sotto.

 

 

Soplak ang mga ba­shers, ika nga.

 

 

“Most of y’all opinions don’t matter. My guy is 18! How foolish y’all look talking bad about a teen,” ani Paras.

 

 

Sa kasalukuyan, nasa Amerika na si Sotto na posibleng sumasailalim sa quarantine protocols bago pumasok sa bubble ng G League sa Orlando, Florida.

 

 

Ngunit wala pang pormal na anunsiyo kung nasa loob na ito ng G League bubble.

 

 

Kaya’t marami ang naka­abang sa magiging kapalaran ni Sotto — kung makapaglalaro pa ito sa G League suot ang Ignite jersey o tuluyan nang maglalaho ang kanyang pag-asang masilayan sa aksyon sa naturang liga.

Other News
  • Pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR, hindi dahil sa eleksyon – OCTA

    NILINAW ng OCTA Research group na ang mas maraming transmissible Omicron subvariants COVID-19 ang dahilan ng bahagyang pagtaas ng mga kaso ng nasabing sakit sa Metro Manila.     Sa isang pahayag, binigyang-diin ni OCTA research fellow Dr. Guido David na hindi ito dahil sa mga aktibidad na inilunsad noong panahon ng eleksyon.     […]

  • Mary Elizabeth Winstead, Back in Action as Dangerous Assassin in ‘Kate’ & Clint Eastwood, Returns in a New Western Drama ‘Cry Macho’

    AFTER joining Harley Quinn as the Huntress in Birds of Prey, actress Mary Elizabeth Winstead is back in action on Netflix’s new film Kate.     In this movie, Winstead plays the role of a ruthless criminal operative, who has 24 hours to take down her enemies.     Watch the first trailer for the film below: […]

  • Kai Sotto puwersadong magpakitang-gilas sa ensayo

    SA UNANG ensayo pa lamang ng Orlando Magic para sa sasabakang NBA Summer League ay kailangan nang makapagpakita ng maganda si Pinoy center Kai Sotto. Ito ay matapos muling papirmahin ng Magic ang parehong 6-foot-11 na sina Mo Wagner at Goga Bitadze para sa kanilang frontline. Nagposte si Wagner ng mga averages na 10.5 points, […]