• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tiis-tiis lang po tayo sa mga haybol

MARAMI na naman sa atin ang mainiip mula sa may dalawang linggong moderate enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at sa Region IV-A at B o Calabarson at Mimaropa.

 

Isa sa paraan ito ng ating gobyerno para masupil ang coronavirus disease o COVID-19 pandemic na marami nang kinitil na buhay at hinawahan.

 

Nais ko lang magbigay ng tips sa mga sobrang mababagot sa kanilang mga tahanan. Lalo na sa mga kapwa ko marathoner/runner, fitness buff at kahit na sino pa po.

 

Tiis pa rin talaga na mag-stay tayo sa ating mga tahanan para hindi na kumalat ang virus. Para rin mapadaling matapos na ang halos nationwide lockdown.

 

Habang naka-home quarantine tayo, mag-ehersisyo lang tuwing umaga at hapon. O kahit isang beses lang isang araw. Pwede ring every other day lang.

 

Disiplina lang talaga para mapanatili nating malusog ang ating mga katawan upang malayo rin sa Covid.

 

Marami rin tayong magagawa sa ating mga bahay. Nasabi ko na po sa nakalipas na linggo sa kolum ko ring ito.

 

Ako ang  isa sa pinagkakaabalahan ko pa na hindi ko nabanggit sa huling pitak ko ay ang pagpapaligo ko ng twice a week sa 2 alaga kong aso. Nalinis ko na kasi ang mga kabinet at ilalim ng kama ko.

 

Pantanggal stress din po iyan at inip.

 

Subukan po ninyo.

 

***

 

Kung gusto po ninyong magkomento o may nais kayong itanong, mag-email lang po sa jeffersoncogriman@gmail.com.

 

Hanggang bukas po uli. Manalangin din po tayong lahat at magsisi sa ating mga kasalanan, may awa ang Diyos matatapos din ang krisis sa sandaigdigan.

Other News
  • Ads October 18, 2023

  • Nag-post ng madamdaming birthday message: SHARON, umaasa na isang araw ay muli silang magkakasama ni KC

    NAG-POST ng madamdaming mensahe si Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang primera princesa na si KC Concepcion na nag-celebrate ng 37th birthday last April 7.     Kalakip sa kanyang IG post ang throwback back photos nila ni KC at video na mula sa concert niya na kung saan batam-bata pa ang anak nila ni […]

  • Travel ban sa ilan bansa na nakitaan ng mataas na kaso ng Covid -19 at may Delta variant, extended-Sec. Roque

    EXTENDED ang ang travel ban sa ilang mga bansang nakitaan ng mataas na kaso ng Covid -19 at may Delta variant.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang Hulyo 15 ang pag-iral ng travel ban sa mga bansang tulad ng United Arab Emirates, India, Pakistan, Sri Lanka at Bangladesh.   Hindi naman nabanggit niSec. […]