• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TikTok user na nagbantang papatayin si presidential aspirant Bongbong Marcos, sumuko sa NBI

KINUMPIRMA ngayon ng Department of Justice (DoJ) na sumuko kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang may-ari ng TikTok account kung saan inupload ang video na nagbabantang papatayin si presidential aspirant Bongbong Marcos.

 

 

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, boluntaryo umanong sumuko kahapon ang subject sa NBI.

 

 

Sa ngayon, hindi pa idinetalye ng NBI ang pagkakakilanlan ng subject para sa kanyang seguridad.

 

 

Inabisuhan na rin daw itong maghanap ng counsel na aalalay sa kanya habang patuloy na iniimbestigahan ang naturang isyu.

 

 

Una rito, sinabi ng tagapagsalita ni Marcos na nakausap na niya si NBI Deputy Director Vicente De Guzman III at kanyang napag-alaman mula rito na ngayon ay aasikasuhin at kikilalanin din ang sumukong indibidwal at aalamin din kung gaano kalalim ang pananakot na ginawa nito.

 

 

Nauna nang kinumpirma ni Guevara na nakatanggap nga ng online tip ang Office of Cybercrime ang Department of Justice hinggil sa umano’y planong pagpatay sa senador.

 

 

Sinabi ng kampo ni Marcos na mismong ang Office of Cybercrime ang siyang nagtutulak na maipagpatuloy ang imbestigasyon sa Tiktok video na nagsasabi na may nagpupulong daw araw-araw para pagplanuhin ang pagpaslang kay Marcos Jr.

 

 

Ang usapin ay iniimbestigahan na rin ng Philippine National Police (PNP).

Other News
  • 60 bangkay ng PDLs inilibing sa NBP cemetery

    ANIMNAPUNG  bangkay ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) na matagal nang nakalagak sa isang punerarya ang pinalibing na ng Bureau of Corrections (BuCor), sa New Bilibid Prison (NBP) cemetery sa Muntinlupa City kahapon ng umaga.     Ang mga inilibing ay kabilang sa 176 na bangkay na matagal nang nakalagak sa Eastern Funeral Homes at […]

  • KRIS, kinumpirmang naghiwalay na sila ni MEL matapos ma-engage last year; humihingi ng respect and privacy

    NOONG Lunes, January 3, kinumpirma ni Kris Aquino ang paghihiwalay nila former Interior Secretary Mel Sarmiento matapos na sila’y ma-engage last October, 2021.     Sabi niya, “Sa pinagdadaanan ko ngayon, may tao bang gustong pag–usapan pa ang kanyang paghihiwalay?     “But in order for me to be able to peacefully move on, and […]

  • Ads November 4, 2020