• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tila may patama rin sa isang presidentiable: VICE GANDA, trending dahil sa ‘pink outfit’ na ikinatuwa ng ‘Kakampinks’

NAGTI-TRENDING ang Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda sa Twitter noong April 18, isang araw pagkatapos ng controversial press conference sa Manila Peninsula nina Isko Moreno at Ping Lacson.

 

 

Trending si Vice dahil kahit na hindi nagsasalita and unlike other celebrities na out and vocal sa kung sinong kandidato ang sinusuportahan nila sa pagka-Pangulo sa darating na election, si Vice ay tahimik lang.

 

 

Pero hindi nakalagpas sa pansin ng mga netizens ang suot ni Vice sa It’s Showtime. Trending ang Vice Ganda na hashtag dahil sa pa-shade raw nito.

 

 

Una, sa suot na prominente ang kulay na pink at sa white shoes niya na ang lace ay pink at socks sa may mga print na rosas.  Given naman na kasi kung kanino ito mga campaign symbols. Binasa namin ang mga comments at halos karamihan ay masaya na Leni Robredo supporter rin daw si Vice. ‘Yung iba naman, parang ine-expect na.

 

 

Trending din si Vice dahil iba raw ang energy sa It’s Showtime noong Lunes at tila may pa-shade pa sa isa pang presidentiable na si Bongbong Marcos dahil sa hirit nito sa isang contestant na, “Pekein na lang natin yung diploma mo. May gumagawa niyan. Kilala niyo.”

 

 

At saka humirit na lang na, “Sa Recto.”

 

 

***

 

 

KINAINGGITAN si Marlo Mortel ngayon, lalo na ang mga Army na fans ng BTS dahil sa kasuwertehan niya.

 

 

Isa lang naman si Marlo sa mga personal na nakapanood ng “BTS Permission to Dance on Stage” sa Las Vegas. Nanalo siya sa Kumu campaign ng concert ticket, plane ticket to Las Vegas at alam namin, may kasama pang pocket money.

 

 

Nang huli naming makausap si Marlo, inamin niyang talagang trinabaho raw siya ng husto ang naturang Kumu campaign para nga manalo siya at personal na mapanood ang bonggang concert na ito ng pinakasikat na Korean boy group.

 

 

Ang swerte ni Marlo dahil talagang ang lapit lang niya stage. Nagkita rin sila sa concert ng isa pang diehard Army na si Arci Muñoz.

 

 

Sabi ni Marlo sa kanyang mga IG stories, “BTS is something else! It was a beautiful experience.”

 

 

***

 

 

HULING Linggo na pala ng Little Princess ngayon na pinagbibidahan ni Jo Berry.

 

 

At hindi pa man nagtatapos, may mga request na mula sa mga Kapuso viewers ng serye na sana raw, may part 2 pa.

 

 

Ni-repost din ni Jo ang mga natatanggap na request.

 

 

Alam namin, ang serye na ito ni Jo Berry ang isa sa pinaka-special serye para sa kanya. Ginawa niya ito habang ang dami niyang pinagdadaanan personally, kabilang ang pagpanaw ng kanyang ama na palagi niyang kasa-kasama.

 

 

Anyway, iba rin talaga si Jo. Aminin na ang pagiging consistent niya bilang rater talaga. Aba, simula nang magbida siya sa mga serye ng Kapuso network, laging toprater.  At ngayon sa Little Princess, kinikilalang isa sa mga toprater ng network ang magtatapos na ngang serye niya.

 

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Phivolcs, ibinaba na sa Alert level 2 ang alerto sa Taal Volcano – Phivolcs

    IBINABA na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alerto sa Alert level 2 sa bulkang Taal sa probinsiya ng Batangas.     Paliwanag ng Phivolcs na kasunod ng phreatomagmatic eruption ng main crater noong Marso 26 ng kasalukuyang taon at naitalang anim na phreatomagmatic bursts hanggang sa katupasan ng Marso.     […]

  • Dating pulis na nasangkot sa viral video ng pananakit at panunutok ng baril dapat na sampahan ng kaso -Abalos

    KUMBINSIDO  si Interior Secretary Benhur Abalos na dapat na sampahan ng kasong kriminal ang dating pulis na nasangkot sa viral video nang pananakit at panunutok pa ng baril nito laban sa isang siklista.     Ang katwiran ng Kalihim, hindi dapat na kinukunsinti ang  “culture of impunity” sa bansa.     “For the sake of […]

  • 83 milyong pa lang ng SIM cards ang narerehistro

    INIULAT ng National Telecommunications Commission (NTC) na umaabot pa lamang sa halos 83 milyon ang mga SIM cards na nairehistro na sa ilalim ng SIM Card Registration Act.     Ito ay ilang araw na lamang bago ang deadline ng rehistro sa Abril 26, 2023.     Hanggang nitong Abril 23, 2023, nasa 82,845,397 na […]