‘Time-out’ ng health workers ‘di napapanahon – DOH
- Published on March 10, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi pa napapanahon para huminging muli ng ‘time-out’ ang mga healthcare workers sa bansa dahil makakaya pa naman umano ang sitwasyon sa kabila ng muling pagtaas ng bilang ng dinadapuan ng COVID-19.
Iginiit ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na nasa “manageable level” pa rin ang sitwasyon sa mga ospital kahit na tumaas ang admisyon ng mga pasyente.
“When we went around nakita natin dumadami po talaga ang mga tao sa ER (emergency room), ang may mga sintomas ng COVID. Pero to say that the system is overwhelmed? No,” paliwanag ni Vergeire.
Sa kanilang pag-iikot, marami sa mga ospital ay nasa 50 porsyento pa ang available na COVID-beds para sa mga bagong pasyente.
Kung darating naman umano ang punto na kakailanganin muli na magpahinga ang mga healthcare workers para hindi naman sila ang magkasakit o bumigay ay irerekomenda naman ito ng DOH sa pamahalaan.
Sa kasalukuyan, wala pa umanong ebidensya na ang mga new variants ang dahilan ng pagsirit sa mga bagong kaso ng COVID-19. Tanging nakikita nila ngayon ay ang pagpapabaya ng publiko sa ‘safety protocols’ kaya tumaas ang bilang ng mga kaso. (Gene Adsuara)
-
Balik primetime bilang si ‘Black Rider’: RURU, nagpapasalamat na natupad ang pangarap na makagawa ng isang full-action series.
NGAYONG Nobyembre 6, abangan ang pagbabalik ng Primetime Action Hero na si Ruru Madrid sa action-packed Filipino drama series ng GMA Network na “Black Rider.” Mula sa award-winning group na GMA Public Affairs, tampok sa full-action series na ito ang kabayanihan, paghihiganti, hustisya, at kuwentong pampamilya. Makakasama ni Ruru sa inaabangang primetime series na ito sina Matteo […]
-
Mga Serbians inalmahan ang pagpapauwi ng Australia kay Djokovic
INALMAHAN ng mga mamamayan ng Serbia ang ginawang pagpapatalsik ng Australian Government kay tennis star Novak Djokovic. Sinabi ni Serbian President Aleksandar Vucic na tila pinahiya ng Australia ang kanilang sarili. Habang tinawag ng Serbian Olympic Committee na ang hakbang bilang ‘scandalous’ decision. Dagdag pa ng Serbian president na […]
-
MRT-3, nakapagsilbi sa higit 281K pasahero
INIULAT ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na umaabot sa kabuuang 281,507 ang mga pasaherong kanilang napagserbisyuhan sa unang araw ng implementasyon ng kanilang isang buwang libreng sakay program nitong Lunes, Marso 28. Ayon sa MRT-3, ito na ang pinakamataas na bilang ng mga commuters na sumakay ng tren simula […]