• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tina-try na lang humanap ng saya sa ibang bagay: ERVIC, choice na maging loveless dahil wala pang time makipagrelasyon

CHOICE ni Ervic Vijandre na maging loveless, o baka wala siyang sapat na panahon para igugol sa pakikipagrelasyon sa ngayon.

 

 

Ayon sa konsehal ng San Juan City, “Kasi nga, dahil sa ganito yung mindset ko na pinapahalagahan ko yung mga nasa paligid ko, ng mga opportunity ko, siguro yung mga nakikilala ko, yung hindi nila… hindi pa sila swak dun sa mundo ko ngayon.

 

 

“Konti lang talaga yung time ko sa ganito, para sa sarili ko.

 

 

“Iniisip ko kasi talaga yung sarili ko is para sa ganito, para sa tao, para sa ganyan.”

 

 

Nasa plano naman niya na someday ay magkaroon ng misis at mga anak.

 

 

“Well, ako kasi, based on my experience, sa mga nangyari sa akin sa buhay, napunta ako dun sa mindset na gusto kong maging successful, maging matagumpay.

 

 

“Hindi ko lang alam kung kailan ko sasabihin na nandun na ako.

 

 

“So siguro, yung ganyan, yung mga tanong na, dahil hindi ka na bumabata, ganyan-ganyan, siguro puwede ko naman, pag-iniisip ko… yun lang nga lang talaga ang kulang,” pahayag pa niya.

 

 

May pagkakataon naman na naghahahanap talaga siya ng karelasyon.

 

 

“Alam mo ba, may time na hanap ako nang hanap, napi-pressure ako.

 

 

“Kaya kailangan, by this age, ganito na, ganito na.

 

 

“So, iniisip ko, swak to, kapag nakuha ko to, nagawa ko to, eto na.

 

 

“Pero hindi pala ganun, e.

 

 

“So, andun na lang ako, sa akin, pag dumating, dumating.

 

 

“Kung hindi, tina-try kong humanap ng saya, happiness sa ibang bagay,” pahayag pa ni Ervic.

 

 

Bukod sa pagiging abala sa kanyang mga constituents sa San Juan, aktibong muli si Ervic sa showbiz; pagkatapos niyang maging guest sa ‘Black Rider’ ni Ruru Madrid ay nasa cast naman siya ng ‘Love. Die. Repeat.’ nina Jennylyn Mercado at Xian Lim.

 

 

Negosyante rin si Ervic dahil kabubukas lamang niya ng panibagong Tipsy pig restaurant branch sa Westgate sa Alabang bukod pa sa branch ng Tipsy pig sa Timog.

 

 

***

 

 

SA upcoming film na ‘Isla Babuyan’, mag-ina ang papel nina Geraldine Jennings at Lotlot de Leon

 

 

Kuwento ni Geraldine, “It was an amazing experience!

 

 

“It was challenging initially because it’s very different from studying it but everyone was so helpful, so friendly.

 

 

“And it was really natural to me. It was natural and felt normal. It felt great, I love it!”

 

 

Kasama rin sa cast ng ‘Isla Babuyan’ sina Jameson Blake, Paolo Gumabao, Dave Bornea, James Blanco, Nathalie Hart, at Samantha da Roza.

 

 

Pagkanta ang unang hilig ni Geraldine.

 

 

Lahad ni Geraldine, “From my young age, I love singing.

 

 

“My mom enrolled me at singing classes and guitar classes.”

 

 

Impressive ang background ni Geraldine sa music.

 

 

Fourteen years old siya noong sumali siya sa Teenstar UK singing competition at hindi man pinalad na magwagi ay nakaabot siya sa sa final round.

 

 

Sumali rin at wagi si Geraldine sa prestigious na Future Music Development Award in the Open Mic UK singing competition at nakapag-perform rin siya sa O2 Arena sa London.

 

 

Dalawa sa musical influences niya sina Miley Cyrus at Dua Lipa.

 

 

Born in the Philippines si Geraldine na Irish/British ang amang si Frank Jennings at ang kanyang ina namang si Gina Cariaga Jennings ay ipinanganak sa Pasuquin, Ilocos Norte. Pangalawa siya sa apat na magkakapatid na babae.

 

 

Produced ng Solid Gold Entertainment Production ang movie, screenplay ni Jessie Villabrille, at concept ni Leo Dominguez Jessie Villabrille at Bam Salvani.

 

 

Line produced ito ni Dennis Evangelista at sa direksyon ni Abdel Langit.

 

 

***

 

 

TUMATAK sa publiko ang ‘Nagbabagang Luha’ na umere noong 2021 kung saan isa sa cast members ang mahusay na aktres na si Gina Alajar.

 

 

Pareho ba ang scope ng papel niya doon at dito ngayon sa ‘Asawa Ng Asawa Ko’?

 

 

“Dun nanay ako ni Rayver, dito son-in-law ko siya, anak ko si Jasmine,” saad ni Ms. Gina.

 

 

Viral ang eksena noon sa ‘Nagbabagang Luha’ kung saan ginulpi niya (bilang si Calida) si Cielo (Claire Castro) at halos mamaga ang mga pisngi nito sa sampal at iningudngod pa niya ito sa cake noong matuklasan ang mga panloloko at kasinungalingan nito.

 

 

May makakatikim ba ng hagupit ng kamay ni Gina dito sa bago niyang serye?

 

 

“Si Rayver sinampal ko pero hindi pa ano, light-light pa, si Liezel sabi meron pa daw, e.”

 

 

Samantala, sa ‘Asawa Ng Asawa Ko’ ay mga lead stars sina Jasmine Curtis Smith, Rayver Cruz, Liezel Lopez, Joem Bascon at Martin del Rosario.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Vaccine czar Carlito Galvez jr, nagpakita ng pruweba na hindi kulelat ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo kung pagbabakuna ang pag-uusapan

    NAGPAKITA ng katibayan si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpapatunay na hindi nahuhuli o kulelat ang Pilipinas sa pagtuturok ng bakuna.   Ang hakbang ay ginawa ni Galvez sa gitna ng puna na mabagal daw ang pamahalaan sa vaccination efforts nito.   Sa presentasyong inilatag ni Galvez sa Pangulo, […]

  • ROYCE, inaming ayaw ma-typecast sa nagawang movie at BL series

    SA pagiging talent ng GMA Artist Center, mabibigyan ng iba’t ibang roles na gagampanan ang indie actor na si Royce Cabrera.                   Inamin ni Royce na ayaw niyang ma-typecast sa mga roles na nagawa niya sa pelikula tulad sa F#*@bois at sa BL series na Quaranthings. Mapapanood din siya sa Ben & Jim […]

  • Ngayong isa na sa board member ng PCSO: IMELDA, isang linggong serbisyo ang handog sa mga nangangailangan

    NAIS ni Imelda Papin, ang newly appointed acting member of the Board of Directors ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office, na palawigin ang operasyon ng ahensa tuwing weekend.   Ayon sa naging pahayag ng Asia’s Sentimental Songstress, “Although, I already announced it after the oath-taking, yung aking gustong ipaabot sa board at maaprubahan itong […]