• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tinalakay ang karagdagang tulong para sa mga Bulakenyo, Kalihim ng DSWD, nakipagpulong kay Fernando

LUNGSOD NG MALOLOS – Nakipagpulong si Kalihim Rex Gatchalian ng Department of Social Welfare and Development kay Gobernador Daniel R. Fernando umaga ng Sabado sa DSWD Office sa Quezon City upang talakayin ang mga pangangailangan ng mga apektadong pamilya at iba pang tulong na maaaring ipagkaloob upang mapagaan ang kasalukuyang sitwasyon sa lalawigan.

 

 

Kabilang sa mga napagkasunduang tulong na ibibigay ang karagdagang relief goods at pagbibigay ng tulong pinansyal, kung kaya’t inaprubahan ang Emergency Cash Transfer (ECT) na ibibigay sa indigent population mula sa 17 bayan at apat na lungsod na lubog pa rin sa tubig baha.

 

 

Ang nasabing probisyon ng ECT ay mandato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., na nakatakdang bumisita sa lalawigan sa Lunes upang personal na alamin ang kasalukuyang sitwasyon ng Pampanga at Bulacan.

 

 

Upang matulungang matukoy ang mga benepisyaryo ng ECT, kailangang magsagawa ng agarang koordinasyon mula sa Municipal Social Welfare and Development Office patungo sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) hanggang sa DSWD Region 3.

 

 

Ipinahayag naman ni Fernando ang kaniyang pasasalamat kay PBBM at Gatchalian para sa kanilang napapanahong pagsuporta at pagtulong sa mga Bulakenyo.

 

 

“Nakakataba po ng puso na ang ating maagang pagbangon para dumalo sa isang pagpupulong ngayong araw ay naging mabunga sa tulong ng ating itinuturing na kalalawigan at may tunay na puso sa paglilingkod, ang aking kaibigang DSWD Sec. Rex Gatchalian. Bukod po sa relief goods, tayo ay pagkakalooban ng financial assistance sa lalong madaling panahon para sa mga labis na napinsala ng mga bagyo at pagbaha,” anang gobernador.

 

 

Dumalo rin sa pagpupulong sina Undersecretary Diana Rose S. Cajipe, MD, FPOGS, Assistant Secretary Marlon A. Alagao mula sa Disaster Response Management Group, Assistant Secretary Ulysses C Aguilar, PSWDO Head Rowena Joson-Tiongson at Provincial Information Officer Katrina Anne Bernardo-Balingit.

 

 

Samantala, ayon sa ulat na inihanda ni Provincial Agriculture Officer Ma. Gloria SF. Carrillo, nakapagtala ang Bulacan ng may kabuuang P244,410,675.71 halaga ng mga nasira sa agrikultura at palaisdaan habang inulat naman ni Provincial Veterinarian Dr. Voltaire G. Basinang na may P24,260,800.00 kabuuang halaga ang nasalanta sa livestock at poultry na dulot ng Habagat at mga Bagyong Egay at Falcon. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • EXTENDED MECQ status sa NCR Plus hanggang Mayo 14.

    Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi ang ekstensyon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) classification sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite simula Mayo 1 hanggang Mayo 14, 2021.   Ang Lungsod ng Santiago at Quirino Province sa Region 2 at Abra sa […]

  • Heart, patuloy ang pamimigay ng libreng tablets sa mga kabataan

    SA pamamagitan ng Big Heart PH project, patuloy na dumarami ang mga estudyanteng naa- abutan ng tulong ng Kapuso star Heart Evangelista sa pamamagitan ng libreng tablets na magagamit nila sa online classes sa isinasagawang distance learning ngayong taon dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.   Sinimulan ni Heart ang initiative na ito noong Hulyo […]

  • Anim na taon na sa pagbibigay ng inspirasyon: MARIAN, lubos ang pagpapasalamat sa patuloy na pagsuporta ng viewers sa ‘Tadhana’

    ANIM na taon na ang Tadhana, ang award-winning drama anthology program ng GMA Public Affairs na pinapangunahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.     Sa patuloy ng pagbibigay-inspirasyon sa mga manonood, handog ng programa ang isang three-part special episode na nagsimula nitong Nobyembre 4.     Pinamagatang “Secrets,” tampok sa anniversary special ang Sparkle […]