• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tinamaan ng Omicron, may proteksiyon na vs iba pang COVID-19 variant

May benepisyong maidudulot ang Omicron COVID-19 variant sa mga tinamaan nito at nakaligtas dahil magsisilbi itong ‘natural vaccine’, ayon sa isang molecular biologist.

 

 

Sinabi ni Father Nicanor Austriaco, isang Filipino-American Catholic priest na isa ring molecular biologist sa GoNegosyo Town Hall meeting nitong Miyerkules, ang mga nakarekober sa impeksyon sa Omicron ay magkakaroon ng mga antibodies na magpoprotekta rin sa kanila mula sa lahat ng iba pang mga variant ng COVID-19.

 

 

Posible aniyang ito na ang “the beginning of the end” ng pandemya, subalit kailangang ma­ging maingat ang publiko.

 

 

May pag-aaral aniya na ang Omicron variant ay isang natural vaccine, na hindi lamang laban sa  Omicron kundi laban din sa Delta, Gamma, Beta, Alpha at  D614G variants.

 

 

Inihalimbawa ni Austriaco ang Omicron na parang wildfire na kumalat at nang maubos na ang masusunog na puno ay nag-crash na siya o wala nang mapuntahan kaya’t maaring itong variant na ito ang magpapatigil sa pandemya.

 

 

“This is the hope and the prayer. The Omicron is actually a blessing. It will be hard for one month, but afterwards, it should be a blessing because it should provide the population protection that we need everywhere,” paliwanag niya.

 

 

Mild lamang aniya ang Omicron na hindi naman marami ang maoospital at mamamatay subalit kailangan sa mga ‘di bakunado na magpaturok na ng COVID vaccine.  (Daris Jose)

Other News
  • Strengthened Efforts, Expert Insights, and Collaborative Strategies in Davao City

    The Davao City Health Office (CHO) disclosed a staggering revelation: a total of 6,252 confirmed dengue cases were reported within the locality from January to December 2023. This alarming figure represents a significant 65.4 percent surge compared to the previous year’s tally of 3,758 confirmed cases. Tragically, the dengue mortality rate in the city has […]

  • Reklamo vs Sen. Pimentel dahil sa paglabag sa quarantine protocols, submitted for reso na – DoJ

    INATASAN ngayon ng deputy state prosecutor ng Department of Justice (DoJ) na humahawak sa reklamo laban kay Sen. Koko Pimentel dahil umano sa paglabag nito sa quarantine protocols ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na bilisan ang paglalabas ng resolusyon sa reklamo.   Kasunod na rin ito nang pagkumirma ni DoJ Senior Deputy State Prosecutor Richard […]

  • PSC: PAGPILI NG ATLETANG PINOY, SASALANG SA KOMITE

    BINUO ang Review Committee para mangasiwa sa pagpili ng Philippine Sports Hall of Fame member ngayong taon.   Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez, malaki ang tulong na naibibigay ng mga sports media practitioners sa gagawing selection process.   “It is for this reason that the PSC, for the longest time, […]