Tinatayang may 8,036 pamilya o 31,677 katao ang apektado ni Enteng sa Rizal province… PBBM, ipinag-utos ang mahigpit na pagtugon sa mga lugar na tinamaan ni ENTENG
- Published on September 7, 2024
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes na panatilihin ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng nasyonal at lokal na pamahalaan upang masiguro ang mabilis na distribusyon ng tulong sa mga residente na apektado ng Severe Tropical Storm Enteng.
“Continue the coordination between the national agencies and the LGUs with DENR, with Public Works para ‘yung ating ginagawa like if there are specific concerns that we can address them as quickly as possible,” ayon sa Pangulo sa situation briefing sa Antipolo City.
Binigyang diin ng Chief Executive na kagyat na dapat na tinutugunan ang ‘special concerns’ dahil nangangahulugan ito na may mga lugar o grupo ng tao o komunidad ang nananatiling nangangailangan ng agarang atensyon mula sa pamahalaan.
“So, we have to do something special for them,” ang dagdag na pahayag ng Pangulo.
Sa kabilang dako, sinabi naman ng provincial government ng Rizal kay Pangulong Marcos na nakapagbigay na sila ng lahat ng kinakailangang tulong sa mga residente sa lalawigan na tinamaan ni Enteng.
Bago pa matapos ang briefing, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipagpatuloy lamang ang ginagawa nitong pamamahagi ng mga relief goods sa mga apektadong residente kasabay ng naging atas naman nito sa Department of Interior and Local Government (DILG) na patuloy na makipagtulungan sa LGUs.
Ipinag-utos naman ni Pangulong Marcos sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mahigpit na makipag-ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa clearing operations.
Tinatayang may 8,036 pamilya o 31,677 katao ang apektado ni Enteng sa Rizal province.
Napinsala naman ng naturang bagyo ang Rizal Provincial Hospital system, umabot sa P533,700.
Matapos naman ang paghambalos ng bagyo, kaagad na nagbigay ang DSWD ng P11.62 milyong halaga ng tulong sa mga apektadong pamilya at ginawang available ang P134.40 milyong halaga ng standby funds, food, at non-food items sa Calabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon) region. (Daris Jose)
-
Speaker Romualdez idinepensa ang Kamara laban sa mga kritiko
“WALANG personalan, trabaho lang,” ito ang naging pahayag ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez laban sa mga kritiko, pagbabanta, at pananakot saan man ito nanggaling. Sa kanyang talumpati sa muling pagbubukas ng sesyon, tinuligsa ni Romualdez ang iilan na ang intensyon ay lumikha umano ng pagkakawatak-watak ng bansa. “Tatayo ako laban sa […]
-
PDu30, inirekomenda sa susunod na Pangulo na agad na simulan ang pagpapatawag ng constitutional convention
INIREKOMENDA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa idedeklarang ika-labing pitong Pangulo ng Pilipinas na atupagin ang constitutional convention. Sa kanyang Talk to the People, araw ng Huwebes ay sinabi ng Chief Executive na kailangan na talagang gawin ang nasabing hakbang at nakikita niyang may demand nang palitan ang konstitusyon. Sinabi nito […]
-
BSP, nilinaw na mananatili sa sirkulasyon ang mga perang may larawan ng bayani
NILINAW ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mananatili pa rin sa sirkulasyon ang mga perang may larawan ng mga bayani. Tugon ito ng BSP sa dumaraming negatibong pagpuna na mas pinag-ukulan na umano ng higit na pabor ang mga hayop kaysa sa mga bayani at makasaysayang personalidad sa ating bansa. […]