• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tinawag na ‘accla ng taon’ ng netizens: BENJAMIN, ‘di inakala na katutuwaan ang role niya bilang Basil

ALIW na aliw si Benjamin Alves sa mga comments sa pagganap niya bilang Basil Palacios sa ‘Widows’ War.’

 

 

Tinatawag ng maraming netizens si Basil na “Accla ng taon” dahil sa pagiging fake, manipulative, blackmailer at ang hangad niyang mapatay ang misis niyang si George played by Carla Abellana.

 

 

Hindi nga raw inakala ng Kapuso hunk na katutuwaan si Basil dahil sa kakaibang personality nito.

 

 

Post ni Benjamin sa Facebook: “Been reading the tweets on X about Basil. Thank you so much for the kind words. Truly enjoying my time with him. What does accla mean?”

 

 

Natuwa ang maraming netizens sa aktor dahil di pala updated ito sa bagong term for gay ng mga Gen Z.

 

 

Nung malaman na niya, ito ang pinost ni Benjamin: “Learned a new word from playing Basil…. “accla”

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Ads February 22, 2021

  • ‘Vitamin D’ sa caption, nilagyan ng kakaibang meaning: IG post ni PIA ng topless photos ni JEREMY, kinaaliwan ng mga netizens

    KINAALIWAN na naman ng mga netizens ang Instagram post ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na kung saan ibinahagi na naman ang topless at sexy photos ng kanyang fiancé na si Jeremy Jauncey.     Kung anu-ano nga ang mga naging reaksiyon ng kanyang IG followers sa mga litrato ni Jeremy sa Seychelles, Africa na […]

  • Kai Sotto makes first start as hot-shooting Adelaide halts three-game skid

    Sinulit ni KAI Sotto ang kanyang unang pagsisimula at itinakda ang tono para sa 108-77 blowout ng Adelaide 36ers sa Brisbane Bullets noong Sabado sa 2022-23 NBL season sa Adelaide Entertainment Center.     Nagtala ang Filipino center ng 13 puntos, kabilang ang isang three-pointer, kasama ang walong rebounds, isang assist, at isang block.   […]