• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tiniyak ng DSWD: Suporta, nakahanda na para sa mga ‘displaced’ POGO workers

TINIYAK ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na nakahanda na ang departamento na magbigay ng tulong sa local at foreign nationals na maaapektuhan ng nalalapit na pagsasara ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) operations sa pagtatapos ng taon.

 

 

 

“Una sa lahat, base sa aming datos, ang karamihang nagtatrabaho o maaaring ma-displace sa mga POGO centers are non-Filipino citizens, although mayroon pa ring mga Filipino,” ayon kay Gatchalian sa isinagawang 2024 Post-SONA Discussions on Environmental Protection and Disaster Risk Reduction.

 

 

“The non-Filipino citizens, normally, are victims of human trafficking and we have to work with their respective embassies, which we have done in certain cases, doon sa mga illegal POGOs to make sure that they are, first, provided [with assistance]. Kahit hindi sila mga Filipino, bulnerable at biktima rin sila,” ayon pa rin kay Gatchalian.

 

 

Nauna rito, tuluyan nang ipinagbawal ni Pangulong Marcos ang operasyon ng POGO sa bansa.

 

 

Sa mahigit na isang oras na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ay inanunsiyo niya ang pag-ban sa POGO, dahilan para umani ito ng sigawan at standing ovation sa mga bisita sa plenaryo ng Kamara.

 

 

Ayon pa kay Pangulong Marcos, nagpapanggap na legitimate entities ang operasyon ng POGO subalit nagdudulot ito ng mas higit pa rito na mula sa gaming ay nagiging financial scamming, money laundering, prostitution, human trafficking, kidnapping, brutal torture at maging murder.

 

 

Kailangan na aniya na matigil ang pang-aabuso at hindi pagrespeto sa ating batas at kailangan na rin matigil ang panggugulo ng POGO sa ating lipunan at paglapastangan sa ating bansa.

 

 

Inatasan na rin ng Pangulo ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na itigil at ihinto ang operasyon ng POGOs bago matapos ngayong taon.

 

 

Habang inatasan din ni Pangulong Marcos ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipag-koordinasyon sa economic managers na hanapan ng bagong trabaho ang mga Filipino na mawawalan ng trabaho.

 

 

Sa pamamagitan aniya nito ay mareresolba ang mga problema na kanilang kinakaharap bagamat hindi naman lahat ay mareresolba nito.

 

 

Tinukoy naman ni Gatchalian ang DSWD at Department of Justice na “jointly operating” ang Inter-Agency Council Against Trafficking-Tahanan ng Inyong Pag-asa (IACAT-TIP) Center, isang multi-purpose building na nagbibigay ng matutuluyan o kanlungan para sa mga victim-survivors ng human trafficking.

 

 

“We house them there temporarily, work with their governments, so they can go home safely in the fastest possible time,” ayon kay Gatchalian.

 

 

Para naman sa mga displaced Filipino workers, tinuran nito na ang DSWD ay maaaring magbigay ng cash aid sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

 

 

Ibibigay din ang cash assistance upang magawa ng mga ito na makapagsimula ng maliit na negosyo sa ilalim ngSustainable Livelihood Program (SLP) upang makatulong na makabawi at makabangon mula sa krisis.

 

 

“Kung sakaling ang madi-displace ay mamamayan natin, mayroon tayong AICS. The loss of livelihood is a crisis. It is defined as a crisis so mayroon tayong immediate intervention dyan na social welfare. Ibig sabihin ay ayuda kaagad kasi ayaw natin na mawala ang pagkain nila sa mesa, sa hapag,” ang pahayag ni Gatchalian.

 

 

“Kung gusto nilang pumasok sa entrepreneurship, sa pagtatayo ng maliit na negosyo, then we can guide them and give them necessary grants sa pamamagitan ng SLP,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Gatchalian na ginawa ng DSWD na shelter ang POGO hub para sa families and individuals in street situations (FISS) na umabot sa ilalim ng “Oplan Pag-Abot” program ng departamento.

 

 

“These are big facilities na mala-hotel. What we have to do is retrofit a little and put it to good use,” aniya pa rin.

 

 

Ang dating POGO building ay isang six-story structure na matatagpuan sa kahabaan ngWilliams Street sa Pasay City. (Daris Jose)

Other News
  • Napatunayang maling-mali ang mga balita… JESS, hangang-hanga sa husay at kabaitan nina DINA, PINKY at CARMINA

    SA pagtatapos sa Sabado ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ sa ere, tinanong namin kay Jess Martinez, isa sa mga cast members ng serye bilang si Diwata, kung kumusta ang naging journey niya sa naturang GMA teleserye.   Lahad niya, “Yung expectations ko kasi before is parang it’s gonna go well lang, kasi nga I’m with […]

  • Drug-free workplace isinusulong sa Navotas

    KINAKAILANGAN ng sumailalim ng mga empleyado sa mga business establishment sa Navotas sa taunang drug test kasunod ng pagsasabatas ng lungsod ng isang drug-free workplace ordinance.     Ipinasa ng Konseho ng Lungsod ng Navotas ang City Ordinance No. 2023-23 na nag-aatas sa mga piling negosyo sa Navotas na panatilihin ang isang ligtas at malusog […]

  • MAINE, honored na maging instrumento para i-promote ang livelihood opportunity na hatid ng ‘51Talk’; malaking tulong sa panahon ng pandemya

    IN-ANNOUNCE sa mid-year press conference ng online English education platform 51Talk na nagsi-celebrate ng 10th year anniversary, na ang actress/host na si Maine Mendoza ang kanilang newest brand ambassador.     Ibinahagi ng award-winning comedienne na malaki itong karangalan at very rewarding experience na i-represent ang 51Talk.     “I said yes to 51Talk because […]