Tiniyak ng Malakanyang: PhilHealth, inalis na ang 45-day benefit limit
- Published on March 22, 2025
- by @peoplesbalita
INALIS na ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang 45 -day benefit limit para matiyak na ang mga serbisyo ng ahensiya ay mananatiling walang hadlang.
Ito ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ay alinsunod na rin sa bilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Aniya, sinabi ng pamunuan ng PhilHealth, maraming mga serbisyo ang kinakailangan ng higit 45 days na coverage gaya nga lamang ng hemodialysis.
“The 45-day benefit limit is an outdated cost-containment strategy. Naiintindihan natin kung bakit ito inilagay noon, ngunit, sa pagbabago ng ating payment mechanism, napapanahon na rin talagang repormahin ito,” ang sinabi naman ni PhilHealth President and Chief Executive Officer Edwin Mercado.
Winika pa niya na ang panganagilangang medikal ay ” cannot always be predicted or scheduled.”
“Marami ring mga serbisyo ang kinakailangan ng higit sa 45 days na coverage. Kaya naman nagpapasalamat tayo sa PhilHealth Board for approving this policy update,” ang sinabi pa rin nito.
Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pag-aalis ng 45-day benefit limit sa pagsagot sa medical services partikular sa ilang mga kondisyon, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na tiyaking hindi maaantala ang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino.
Ayon kay PhilHealth Acting President at CEO Dr. Edwin M. Mercado, ang 45-day limit ay isang lumang cost-containment strategy na hindi na angkop sa kasalukuyang panahon.
“Naiintindihan natin kung bakit ito inilagay noon, ngunit, sa pagbabago ng ating payment mechanism, napapanahon na rin talagang repormahin ito. We cannot always predict or schedule our medical needs,” paliwanag ni Dr. Mercado.
“Marami ring mga serbisyo ang kinakailangan ng higit sa 45 days na coverage. Kaya naman nagpapasalamat tayo sa PhilHealth Board for approving this policy update,” dagdag niya.
Bagaman inalis na ang 45-day limit, binigyang-diin ng state health insurer na ang pag-avail ng benepisyo ay dapat nakabatay sa mga sumusunod:
– Medical necessity at tamang treatment plan
– Mga itinakdang Clinical Practice Guidelines (CPGs) ng DOH at PhilHealth
– Quality standards na nakasaad sa PhilHealth Circulars
Samantala, bago pa ang pag-alis ng limitasyong ito, pinalawak na rin ng PhilHealth ang hemodialysis package mula sa 90 sessions patungong 156 sessions.
Sa ngayon, mas maraming pasyente ang makikinabang sa walang limitasyong bilang ng araw ng pagpapaospital na kinakailangan para sa kanilang kalusugan. (Daris Jose)
-
Big time oil price rollback, inaasahan naman next week – DOE
INANUNSYO ng Department of Energy (DOE) na sa susunod na linggo ay magkakaroon naman ng big time oil price rollback. Ayon kay Director Rino Abad ng Oil Industry Management Bureau ng DOE, hindi pa nila masabi sa ngayon kung magkano ang ibabawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo. […]
-
Saso dadalaw sa ‘Pinas
SASAMANTALAHIN ni Ladies Professional Golf Association Tour star Yuka Saso ng Japan ang pagdayo ng ng 73rd LPGAT 2022 Leg 4-5 sa Marso sa Southeast Asia sa papasok na buwan sa Singapore at Thailand. Kaya maaga siyang aalis sa pinagbabasehang Estados Unidos sa pagbisita muna sa sa mga kamag-anak, tagasuporta’t kaibigan sa ‘Pinas sa buwang […]
-
POGO, TULOY ANG LIGAYA
SA kabila ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga Chinese, hindi umano ipatitigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Kailangan umano ng pondo para sa mga proyekto at pasahod sa mga empleyado ng gobyerno tulad ng mga nurse at titser. Makatutulong din umano ang pondo galing sa POGO […]