Tiniyak ni PBBM: China, hindi pipigilan ang mga Pinoy na mangisda sa West PH Sea
- Published on January 18, 2023
- by @peoplesbalita
PUMAYAG ang bansang Tsina na mangisda ang mga Filipinong mangingisda sa West Philippine Sea.
Apektado na kasi ang ikinabubuhay ng mga mangingisdang Filipino dahil sa presensiya ng Chinese maritime forces sa pinagtatalunang lugar.
Tinuran ng Chief Executive na bahagi ng kasunduan ng Manila at Beijing, hindi umano pipigilan ng China ang mga Pinoy na mangisda sa kabila ng usapin ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.
“Actually, I don’t know how the word partnership started to be used. It’s really an agreement that you will… that China will not stop our fishermen from fishing,” ang pahayag ng Pangulo sa isang panayam.
“They will continue to allow our fishermen to fish in the fishing grounds that they have been to, they have used for many generations. That’s it. It’s that simple,” dagdag na wika ng Pangulo.
Noong nakaraang linggo, sinabi ng nagbitiw na si National Security Adviser Clarita Carlos, na sinusuri ng pamahalaan ang mungkahing partnership ng China sa Philippine fishing villages. Pinalagan ng Pangulo ang pahayag na ito no Carlos.
Magugunitang, nagsagawa si Marcos ng three-day visit sa China noong Enero 3 hanggang 5, at kabilang sa mga tinalakay niya kay President Xi Jinping ng China, ang usapin ng mga Pinoy na nangingisda sa West Philippine Sea.
Ayon kay Marcos, nangako si Xi na “that we would find a compromise and find a solution that will be beneficial so that our fishermen might be able to fish again in their natural fishing grounds.”
Nagkaroon din umano ng kasunduan ang dalawang bansa na bubuo ng isang communication mechanism sa maritime issues na kabibilangan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas at Ministry of Foreign Affairs ng China. (Daris Jose)
-
Sa halip na magpasa ng mga batas na makatutulong: Sen. ROBIN, nais ipa-ban ang K-dramas at pabor din si Sen. JINGGOY
HINDI kami pabor sa sinasabi nina Senator Robin Padilla at Senator Jinggoy Estrada na dapat i-ban ang mga K-dramas sa Pilipinas. Sabi ni Sen. Jinggoy, kung minsan daw ay naiisip niyang solution sa pag-angat ng TV shows ay ang pag-ban ng K-dramas. Pero ito raw ay obserbasyon lamang niya. Pareho sila […]
-
Pagpasok ng murang imported na sibuyas, inireklamo
INIREKLAMO ng progresibong party-list group na Anakpawis ang pagpasok at pagbaha ng imported na sibuyas sa pamilihan na pumapatay sa lokal na magsasaka. Sa isang pahayag, sinabi ni Anakpawis National Chairperson Rafael “Ka Paeng” Mariano na ang importation ng nasa 35, 000 metric tons ng pulang sibuyas mula Tsina ngayong taon ay nagtulak […]
-
Mo, Billy pupukpukin ni Leo sa center post
LEHITIMONG natirang sentro sina Moala Tautuaa at Billy Mamaril sa San Miguel Beer para sa parating na 45th Philippine Basketball Association 2020 Philippine Cup sa papasok na buwan. Ang dalawa muna ang ipantatapat ni coach Leovino Austria sa 11 kalabang mga koponan habang hindi pa nakakahanap ng dagdag na pamasak sa gitna sa paglaho […]