• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tinupad ang pangako kay Ely na aayusin ang isyu: MARCUS, nag-reach out na kay SYD pero wala pang nakuhang sagot

DAHIL sa nalalapit na reunion ng Eraserheads, napag-usapan ulit ang ginawang pananakit ng isang miyembro ng E-Heads na si Marcus Adoro sa kanyang asawa’t anak.

 

Noong 2019, inakusahan si Adoro ng kanyang ex-partner na si Barbara Ruaro at ng anak na si Syd Hartha ng domestic abuse.

 

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, sinubukan ni Marcus na mag-reach out sa kanyang anak, pero wala siyang nakuhang sagot mula rito.

 

“I’ve lost contact with my daughter for years now. Recently, I’ve tried to reach out to her through her manager, but I’m not sure if my messages are getting through. So, I’m making this post,

 

“Syd, san ka man, I hope you’re doing well. As you already know, I’m far from perfect kaya normal if you want nothing to do with me. Sana lang magkaroon ng second chance for redemption. I’m sorry for the ruckus that I may have caused my family, the public the sponsors, and my bandmates. Pasensya na.

 

“I also want to thank the people who are supporting E-Heads’ art. Please continue to support the E-Heads reunion. Alay po sa ating lahat ito,” post ni Adoro.

 

Ayon manager at co-producer ng ‘Huling El Bimbo’ concert na si Diane Ventura, isa raw sa kondisyon ni Ely Buendia ay ayusin muna ni Adoro ang mga issues nito or else hindi raw ito makikipagtrabaho sa kanya. Tinatawag kasi ng netizens na “enabler” si Buendia dahil sa pag-tolerate nitong makatrabaho si Adoro.

 

“This was promised by Marcus’ management which was why we even reconsidered. To call Ely an enabler is categorically false and absurd. We do not condone abuse that is absolute. We acknowledge the pain and suffering of the parties involved and we seek accountability.

 

“However, we will do what we can to encourage peace, and resolution and will never get in the way of possible reconciliation or second chances between families, We are hoping for good to come out of this,” sey ni Ventura.

 

Taong 2016 noong huling mag-perform na magkasama ang Eraserheads. Nabuo ang E-Heads noong 1989 pero sumikat sila noong 1993 dahil sa alternative rock album nila na Ultraelectromagneticpop! kunsaan naging hits ang singles nila na “Pare Ko”, “Toyang”, at “Ligaya”.

 

Nasundan ito ng second hit album nila na Circus in 1994 at naging hits ang singles na “Alapaap”, “With A Smile” at “Magasin”.

 

Ang third album nila na Cutterpillow noong 1995 ang naging third biggest-selling album in OPM history. Naging hits dito ang mga singles na “Huwag Mo Nang Itanong”, “Overdrive” at “Huling El Bimbo”.

 

***

 

NAIS palang mag-collaborate ng showbiz couple na sina Miles Ocampo at Elijah Canlas sa pagsulat ng show scripts in the future.

 

Paraan daw nila ito na mas makilala nila ang isa’t isa at makapag-share sila ng kanilang mga creative ideas.

 

“Gusto namin magsulat together. Dream namin magka-work ulit together na kung walang magbibigay sa amin, kami na lang gagawa for us,” sey ni Miles.

 

Sey naman ni Elijah: “We have dreams of becoming filmmakers as well outside the acting. Off cam naman. Kahit anong genre. Whatever we feel like writing.”

 

Para kay Miles, na isa na sa mga dabarkads ng Eat Bulaga, si Elijah na raw ang lalake na para sa kanya dahil sa pagiging supportive na tao nito.

 

“If you know na you’re with the right person, susunod naman lahat eh. Ang sarap lang sa feeling na merong taong sinusuportahan ka sa lahat ng gagawin mo and tanggap ka kahit anong mangyari. Idol ko ‘to. Kaya nung naging kami lalo akong na-pressure galingan sa mga gagawin ko kasi siyempre parang manunuod siya so dapat galingan ko,” pahayag ni Miles.

 

Ang sagot naman ni Elijah: “She’s everything. Totoo ‘yun. Everything. I guess I don’t know. I guess just being honest and transparent and overall just appreciating everything that she has and who she is.”

 

***

 

BALIK sa single’s market ang Marvel Asian star na si Simu Liu dahil balitang naghiwalay na sila ng dine-date niyang si Jade Bender.

 

Nag-open up ang bida ng Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings tungkol sa kanyang mental health sa nakaraang Dreamforce tech conference in San Francisco. May kinalaman daw ang breakup niya sa kanyang pinagdaraanan ngayon.

 

“I’m okay, I’m okay. I’m learning to prioritize myself. I’m becoming more and more comfortable with the idea of therapy and support systems. It really just hit me recently just how burnt out I was. I experienced moments where I’m living my dream and it didn’t quite feel like I was where I needed to be with myself. I’m also going through a breakup. That’s probably also contributing to it. But that’s okay, I’ll be okay,” sey pa ng aktor na mapapanood sa live-action film na Barbie in 2023.

 

Huling nakita in public si Liu at Bender sa Los Angeles premiere ng pelikulang Bullet Train at sa black carpet ng Entertainment Weekly’s Annual Comic-Con Bash in San Diego.

 

Nali-link naman ngayon sa aktor ang actress and real estate agent na si Chrishell Stause. Napapanood si Stause sa reality show ng Netflix na Selling Sunset.

 

Itinanggi naman ito ni Stause sa talk show na Watch What Happens Live With Andy Cohen at sinabing friends lang sila ni Liu: “I get this question a lot. I have to say, Simu is just a friend of mine. No one ever believes me, but no.”

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Ads September 10, 2020

  • Ads April 26, 2022

  • NBA players, binigyan ng June 24-deadline para ihayag kung maglalaro sa season restart

    Binigyan na ng palugit ang mga players ng NBA hanggang Hunyo 24 upang abisuhan ang kani-kanilang mga teams kung lalahok o hindi ang mga ito sa pagbabalik ng mga laro ng liga sa Walt Disney World. Mismo kasing mga NBA players ay hindi nagkakaisa sa muling pagpapatuloy ng season sa Orlando dahil sa samu’t saring […]