• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tiwala si Joey para mag-host ng ‘Wow Mali: Doble Tama'” JOSE at WALLY, para nang mag-asawa sa tagal ng pagsasama

NGAYONG ika-26 ng Agosto 2023, pagkalipas ng walong taon ay nagbabalik na ang bagong bihis na “Wow Mali: Doble Tama” dahil ipinasa na ito Joey de Leon kina Jose Manalo at Wally Bayola.

 

 

Pandemic palang ay tinanong na ng APT Entertainment ang comic duo at um-oo naman sila sa offer.

 

 

“Kaya lang sabi namin, ‘alam ba ni Tito Joey ito?’ ‘Yun agad ang tanong namin na bago namin tanggapin ito, ‘Wow Mali’ ito, 20 years,” pahayag ni Jose.

 

 

“Sabi namin na magpapasintabi kami at umokey naman si Boss Joey at sabi niya, ‘kung kayong dalawa ang gagawa, okay.’ Kaya salamat boss Joey.”

 

 

Sabi naman ni Wally, “kung baga kami na ang nag-aantay tulad nga ng sinabi ni Jose pandemic time pa sinabihan kami na magkakaroon kami ng show tapos naghihintay kami (matagal) akala ko na hindi na tuloy kasi nga lockdown, lockdown then heto na, pasalamat kami kay boss Joey. Salamat po at kami ang naatasan.”

 

 

Malaki talaga ang tiwala sa kanila ni Henyo Master Joey kaya siguro pumayag siyang sina Jose at Wally ang papalit na hosts ng programang ‘Wow Mali’ na nagtapos noong 2015.

 

 

Samantala, almost twenty years na pala ang tambalan JoWa. Para na raw silang mag-asawa at kilalang-kilala na nila ang isa’t-isa, pero hindi sila nagkakasawaan.

 

 

“Hindi naman kami nagkakasawaan, alam ko na nga pabango nito, actually kapag nilagyan mo ng “a” yung sawa, parang mag-asawa na yan, at magkaibigan ganun na yung meron kami,” tugon ni Jose.

 

 

Na-try na rin nilang mag-solo, pero ‘di naman sila tatanggi sa project tulad ng “Wow Mali: Doble Tama.”

 

 

“Nagso-solo naman si Jose, may show siya before and ako rin naman nagkaroon ng gameshow kasama si Paolo (Ballesteros), so okay lang naman. Hindi naman namin pinag-uusapan na naka-package kami, pero as long as kailangan na magkasama kami mas okay,” panana naman ni Wally.

 

 

Samantala, wala pang nailalabas na desisyon ang MTRCB sa “E.A.T.” tungkol sa segment na kung saan aksidenteng napamura si Wally.

 

 

“May pag-uusap po sa MTRCB at sa production,” sagot ng komedyante.

 

 

“Siyempre, hindi po ako puwedeng magbigay ng salaysay at I want to keep it privately kasi nga, ongoing pa ‘yung pag-uusap,” dagdag pa ni Wally.

 

 

“Kung ano pa po yung further na pwedeng gawin pa, willing naman po ako para dun,”

 

 

Pananaw naman ni Jose sa isyung kinasangkutan ng kaibigan, “‘Wag nang patagalin. Kung kasalanan mo, mag-sorry ka. Wala namang masama. ‘Di nakakabawas ng pagkatao ang pagso-sorry. The more na nagpapakumbaba ka, the more na mas maganda ang ginagawa mo.”

 

 

Anyway, asahan na doble ang katatawanan, doble ang kalokohan, at doble ang kasiyahang hatid sa grand comeback ng longest-running at multi-awarded prank show ng bansa sa mas pinalakas na “Wow Mali: Doble Tama.”

 

 

Nakilala ang ‘Wow Mali’ bilang kauna-unahang prank show ng Pilipinas na kinagiliwan ng mga Pilipino simula nang umere ito noong 1996. Naging instant hit ang mga kuwelang “candid camera” pranks ng programa, dagdag pa ang witty hosting ng original prank master na si JDL, kaya naman naging household term na ang “Wow Mali” sa mga Pinoy.

 

 

Magbabalik ang legacy show na ito ng TV5 para muling maghatid ng kakulitan, kalokohan at katuwaan sa “Wow Mali: Doble Tama,” sa pangununa ng kilalang comic duo bilang mga bagong prankmasters ng programa.

 

 

Co-produced ng APT Entertainment at Cignal TV para sa TV5, ang “Wow Mali: Doble Tama” ay magbibigay ng times two na kasiyahan at sorpresa sa hatid nitong new-generation humor, nakakatawang segments, at kaabang-abang na parodies!

 

 

Huwag palampasin at “maki-CSL (Can’t Stop Laughing)” sa premiere ng “Wow Mali: Doble Tama,” ngayong Agosto 26, 6:15 PM sa TV5 at 7:00 PM naman sa BuKo Channel

 

 

Para sa mga behind-the-scenes, sneak peeks o nakakatawang clips at interactive content ng “Wow Mali: Doble Tama,” i-follow lamang ang social media pages ng TV5.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Gilas Pilipinas, pinataob ng New Zealand sa pagtatapos ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers

    BUMAWI ang New Zealand laban sa Gilas Pilipinas matapos magpakita ng napakagandang laro at tinalo ang Pilipinas sa 87-70, kaya’t pasok na ang team sa Group B para sa pagtatapos ng kanilang laban sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers nitong Linggo na ginanap sa Spark Arena, New Zealand. Maaalalang nakapagtala ang Tall Blacks nang kanilang kauna-unahang […]

  • Bigas, mas magiging mura ng P5 kada kilo na may tapyas sa taripa -Recto

    IGINIIT ni Finance Secretary Ralph Recto na ang bagong polisiya ng gobyerno sa pagbabawas sa taripa sa imported rice ay maaaring makapagpababa sa retail price ng bigas ng P5 kada kilo.     “This, in turn, could ease inflation further,” ayon kay Recto.     Sa pagsasalita sa Economic Forum na inorganisa ng Economic Journalists […]

  • Proud si Lea na siya muna ang hahalili sa ‘Here Lies Love’: VINA, natupad na ang dream na makapag-perform sa Broadway

    NATUPAD na ang dream ni Vina Morales na makapag-perform on Broadway dahil sa pinag-uusapang hit musical ngayon na ‘Here Lies Love’.       Gagampanan ni Vina ang role bilang Aurora Aquino. Si Lea Salonga ang original na gumanap as Aurora Aquino sa naturang first all-Filipino cast on Broadway.       The producer of […]