• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tiyak na ikalulungkot ng mga nagpapantasya… DAVID, ‘di na papayagang maghubad o magpa-sexy

TIYAK na ikalulungkot ng mga bakla at nagpapantasya ang ibabalita namin… hindi na magpapaseksi si David Licauco.

 

Dahil kasi sa tagumpay ng “Maria Clara At Ibarra” at sa consistent na pagti-trending ni David bilang ‘Pambansang Ginoo’ na si Fidel sa top-rating historical serye ng GMA ay lumaki o dumami ang mga batang fans ng aktor.

 

Kaya naman nagdesisyon ang Sparkle ng GMA na siyang katuwang ni Arnold Vegafria sa pagma-manage ng showbiz career ni David na hindi na payagan si David sa anumang proyektong kakailanganin siyang maghubad o magpaseksi.
Sa katunayan ay wala na si David sa Bench Body kaya hindi na natin siya makikitang naka-briefs o underwear sa mga billboards. Pero nasa Bench pa rin siya.

 

Huli na rin siguro ang paghuhubad ni David sa harap ng kamera sa pelikula nina Shaira Diaz at Luis Hontiveros, ang ‘Without You’ na palabas ngayon sa mga sinehan.

 

Siguro, ang chance na lamang makita natin na hubad si David ay kapag nakasabay natin siya na nagpapa-spa sa Blue Water Day Spa na kung saan si David ang isa sa mga celebrity endorsers kasama ang mga beauty queens na sina Tracy Perez, Gwendolyn Fourniol, Alison Black, Ashley Montenegro, Ingrid Santamaria, at Beatriz Mclelland.

 

***

 

BADING na bestfriend ni Rhian Ramos (as Marga) ang papel ni Andrew Gan (bilang si Rhea) sa pelikulang ‘Ikaw At Ako’.

 

“Hindi pa ako gumanap na loud na gay, kasi ‘di ba before nagkaroon ako ng BL pero parang hindi naman ako loud na gay e.

 

“Medyo pa-men, pero ito medyo out of my comfort zone kaya talagang pinag-aralan ko yung mga simpleng nuances,” umpisang kuwento sa amin ni Andrew.

 

Nakatrabaho na dati ni Andrew si Rhian sa ‘Wish Ko lang’ at first time naman niya na makasama sa isang proyekto si Paolo, kaya kuwento niya.

 

“Actually, siyempre it’s an honor na maka-work sila, kasi like ng sabi ko si Paolo is like a golden boy, like bata pa lang ako napapanood ko na sila, nag-aaral pa lang ako Rhian Ramos na yan, Paolo Contis na yan, plus may Sir Ronaldo Valdez tayo, tapos may Ms. Boots Anson Roa pa tayo.”

 

Hindi naman raw siya nag-cross dress sa ‘Ikaw At Ako’.

 

“Hindi, hindi, pero dati nag-cross dress ako sa isang series sa IWant TV, sa Mga Batang Poz, wayback 2019.”

 

Sa BL film niya dati na ‘Limited Edition’ ay may torrid kissing at bed scenes sila ng co-star niyang si Jomari Angeles, pero dito sa ‘Ikaw at Ako’ ay wala raw.

 

Mula sa direksyon ni Rechie del Carmen, ang ‘Ikaw At Ako’ ay initial movie venture ng Gutierez Celebrities and Media Production with executive producers MJ Gutierez and Lexie Salmasan.

 

 

Ang TEAM (Tyronne Escalante Artist Management) ni Tyronne James Escalante na pala ang namamahala sa career ni Andrew ngayon na siya ring manager nina Jane de Leon at Kelvin Miranda.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • WALANG AKTIBIDADES SA CHINESE NEW YEAR SA MAYNILA

    WALANG magaganap na anumang aktibidades sa Chinese New Year sa Maynila sa Pebrero 11, ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno” Domagoso.     Ito ang sinabi ng Alkalde sa kanyang pagdalo sa  120th founding anniversary sa kanyang pakikipagpulong sa mga organizer na walang magaganap na parade sa nasabing pagdiriwang.   Aniya maagang naabisuhan ang mga Filipino […]

  • Findings ng Task Force PHILHEALTH, hinihintay ng Malakanyang

    NAKASALALAY  sa kalalabasan ng imbestigasyon ng Task Force PHILHEALTH kung dapat bang managot at makasuhan si DOH Secretary Francisco Duque hinggil sa  naungkat na anomalya sa ahensiya.   Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque kasunod ng findings ng Senado na dapat maisama si Duque sa mga nararapat na kasuhan kaugnay ng katiwalian sa […]

  • Estudyante, 1 pa arestado sa higit P.2M droga sa Caloocan

    NASAMSAM ng pulisya sa dalawang drug suspects, kabilang ang narescue na isang menor-de-edad na lalaki ang mahigit P.2 milyong halaga ng droga matapos masita sa paglabag sa ordinansa sa Caloocan City.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-3:00 ng madaling araw, nagpapatrulya at nagpapatupad ng city ordinance sa Julian Felipe […]