Tiyak na miss na miss na nila ang isa’t-isa: RURU, super sweet sa pagpapadala ng red roses kay BIANCA kahit nasa South Korea
- Published on July 22, 2022
- by @peoplesbalita
TIYAK na miss na miss na nina Bianca Umali at Ruru Madrid ang isa’t isa, dahil matagal-tagal na ring nasa South Korea si Ruru na nagti-taping ng “Running Man PH.”
Kaya naman parehong nag-“i miss you” ang dalawa sa kani-kanilang Instagram post, matapos padalhan ni Ruru ng isang bouquet of Ecuadorian red roses si Bianca, kasama ang message niyang: “Since the day I met you, my life has never been the same. (with red heart emoji).”
Sagot naman ni Bianca: “I miss you,” at nasundan naman ito ng mga mensahe mula sa friends and fans nila na tinukso sila na ang sweet daw ni Lolong kay Bianca.
Sa ngayon ay gabi-gabing nagti-trending sa social media ang rating ng fantasy-action series na “Lolong” ni Ruru sa GMA-7 pagkatapos ng “24 Oras.” Kasama rito ni Ruru sina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Paul Salas, Jean Garcia at Christopher de Leon.
Busy naman ngayon si Bianca sa paghahanda ng mga fight scenes niya sa sisimulan niyang bagong epic serye ng GMA, ang “Sang’gre,” na muli raw magbabalik ang original na Sang’gre na makakasama ng mga bagong Sang’gre.
***
MARAMING nagulat nang lumabas ang teaser ng “The Boobay and Tekla Show,” na mapapanood na this Sunday, July 24, at nakita roon si Lyca Gairanod, ang champion ng “The Voice Kids Philippines Season 1.”
May mga nagtanong tuloy kung lumipat na raw ba sa GMA Network si Lyca. Sinagot agad ito ng show nina Boobay at Tekla na magiging special guest lamang nila si Lyca sa special episode nila, na ibabahagi ni Lyca ang kanyang buhay bilang isang vlogger, artista at isa sa successful singers ng kanyang generation.
Base sa trailer, magpapakitang gilas din si Lyca sa pag-arte bilang kontrabida sa isang nakakatawang improvised segment kasama sina Boobay at Tekla. May isa ngang eksena roon na nagulat pa si Tekla sa ginawa ni Lyca.
Abangan ang eksenang ito at si Lyca, sa pagsali niya sa iba pang laro at mga pakulo ng comedy show, na mapapanood pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” sa GMA-7.
***
NANGAMUSTA si Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa pamamagitan ng kanyang Instagram, sa mga kasama niya sa cast ng GMA Afternoon Prime series na “Raising Mamay.”
Habang nasa San Francisco, California pa sila ng husband niyang si Gerald Sibayan, dahil naging very successful ang kanilang baking business na ube pandesal na thankful sila dahil tinatangkilik ito ng mga kababayan natin doon.
Pumunta roon sina Ai Ai after ng lock-in taping nila ng serye with Shayne Sava, Abdul Raman, Gary Estrada, Joyce Ching ang Ms. Valerie Concepcion.
Final week na ng serye simula sa Monday, July 25, kaya excited na ang mga netizens na malaman kung ano ang magiging wakas ng story, na sasagutin na ang maraming sekreto.
Tulad nang sino ang tunay na ina at ama ni Abigail (Shayne) at ang pinakahihintay ng lahat, muli kayang bumalik ang kaisipan ni Mamay Letty (Ai Ai), na dahil sa isang aksidenteng nabaril siya sa ulo, ay nabuhay nga siya, pero bumalik ang kaisipan niya ng isang bata. At si Abigail na kinilala niyang anak, ang siyang nag-alaga sa kanya.
Napapanood ang “Raising Mamay” after ng “Apoy sa Langit” sa GMA-7.
Samanatala, malamang bumalik si Ai Ai sa bansa kapag magsisimula na ang reality singing competition na “The Clash” 5th edition.
(NORA V. CALDERON)
-
‘Di lang magtagpo ang schedules nila kasama si GELLI: CARMINA, nagandahan sa script ni CANDY kaya gusto nang mag-shoot
NAG-ENJOY kami sa panonood ng iWant TFC offering 6-part mini-series titled Bola-Bola na nagkaroon ng preview sa Cinema 1 ng Santolan Town Plaza last Sunday, March 20 Present ang buong cast headed by Francine Diaz, KD Estrada, at Akira Morishita ng BGYO. Present din ang ilang fan groups ng mga artista na walang sawang […]
-
PNP may 3 kumpirmadong kaso na ng Covid-19 Delta variant – ASCOTF
Kinumpirma ng pamunuan ng PNP Administrative Support For Covid-19 Task Force na mayroon ng tatlong kaso ng Covid-19 Delta variant na naitala sa kanilang hanay. Ayon kay PNP, The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz , ang tatlong police personnel na kumpirmadong nahawahan ng Covid-19 Delta […]
-
Dottie sumalo sa ika-54
HUMILERA si Dottie Ardina sa tatlo sa ika-54 na puwesto na may $715 (P34K) bawat isa, habang si Clarissmon ‘Clariss’ Guce sa Amerikanang si Gigi Stoll para sa 57T na may $669 (P32K) each sa kahahambalos lang na 16th Symetra Tour 2021 sixth leg, $175K 13th Symetra Classic sa River Run Country Club sa Davidson, […]