TNT Tropang Giga tatapusin na ang SMB
- Published on September 3, 2022
- by @peoplesbalita
ANG pagsasara sa isang serye ang pinakamahirap gawin, ayon kay nine-time PBA champion coach Chot Reyes ng nagdedepensang TNT Tropang Giga.
“I’ve always said it. The hardest game to win is the fourth game. So we have no illusions about it,” sabi ni Reyes sa pagsagupa ng Tropang Giga sa San Miguel Beermen sa krusyal na Game Six ng 2022 PBA Philippine Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.
Hawak ang 3-2 lead, sisikapin ng TNT na tapusin ang kanilang best-of-seven championship series ng SMB ngayong alas-5:45 ng hapon.
Puntirya ng PLDT franchise ang kanilang pang-pitong All-Filipino title at ika-siyam sa kabuuan.
“We know that it’s gonna be a battle, a difficult war. So we have to be prepared. All we can do is prepare ourselves — control the things that we can control and just be ready for Friday,” ani Reyes.
Kinuha ng Tropang Giga ang bentahe sa serye matapos agawin ang 102-93 panalo sa Game Five tampok ang pagkolekta ni one-time PBA MVP Kelly Williams ng 21 markers, 9 rebounds, 3 assists at 2 steals.
Bukod pa ito sa kanyang matibay na depensa kay six-time PBA MVP June Mar Fajardo na humahataw ng mga averages na 20 points at 17.5 rebounds per game.
“My job is to just try to give him some resistance. Not make it easy for him and trusting that the guys are gonna be there to help pull the weight,” wika ng 40-anyos na si Williams.
Inangkin ng SMC franchise, hangad ang kanilang ika-28 PBA crown, ang 2-1 bentahe matapos kunin ang Games Two at Three bago nakatabla at nakalamang ang TNT sa pagbabalik ni Reyes.
-
Aguilar 50-50 vs NLEX
NAHULI rin pag-entra sa Clark Freeport and Special Economic Zone bubble si Philippine Basketball Association o PBA star Japeth Paul Aguilar ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings. Kahapon ang inaasahang dating ng big man sa Angeles City, Pampanga na playing venue ng 45 th PBA Philippione Cup 2020 eliminations na mag-oopen na bukas […]
-
DILG sa mga LGUs:’Pagtibayin ang ordinansang nagbabawal sa pagbebenta ng mga gamot sa mga sari-sari stores’
HINIMOK ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang mga local government units (LGUs) na pagtibayin ang ordinansang nagbabawal sa pagbebenta ng mga gamot sa mga sari sari stores. Ito ay kasunod s paglaganao ng mga pekeng gamot sa mga maliliit na retail stores. Inatasan din ni Sec Año ang […]
-
Pinas, puntirya na makakuha ng 202 million doses ng COVID-19 vaccines
MULA sa inisyal na target na 148 milyon ay puntirya na ngayon ng Pilipinas na makakuha ng 202 million doses ng COVID-19 vaccines. Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na target na ng bansang bumili ng 158 million doses at tumanggap ng dagdag na 44 million doses mula sa Covax Global vaccine sharing […]