• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tokyo Olympics, magiging ‘safe and secure’ kahit may virus emergency – organizers

Iginiit ng mga organizers ng Tokyo Olympics na tuloy pa rin ang pagdaraos ng Summer Games kahit na isinailalim ang Japan sa state of emergency dahil sa pandemya.

 

Una rito, inanunsyo ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga na ilalagay sa state of emergency ang greater Tokyo area dahil pa rin sa pagtaas ng mga kaso ng coronavirus.

 

Ayon sa Tokyo 2020 organizers, hindi na raw dapat pang talakayin pa ang muling pagpapaliban ng prestihiyosong palaro, na nakatakda sa Hulyo 23.

 

Nanindigan din ang mga ito na hindi makakaapekto ang emergency sa mga nakalatag nang plano para sa Olympics.

 

“This declaration of emergency offers an opportunity to get the Covid-19 situation under control and for Tokyo 2020 to plan for a safe and secure Games this summer, and we will proceed with the necessary preparations accordingly,” saad ng mga organizers.

 

Bago ito, naniniwala si Suga na magbabago ang pananaw ng publiko sa oras na masimulan na ang pagbabakuna laban sa COVID-19, na naka-schedule sa susunod na buwan.

Other News
  • Pagsasabatas ng bayanihan 2, malaking tulong sa TUPAD program ng DOLE

    NANANALIG ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sakaling maisabatas na ng Kongreso ang Bayanihan II o Bayanihan to Recover as One Bill, ay magkakaroon din ng malaking tsansang maaprubahan ang kanilang mga proyekto,partikular na ang TUPAD Program na magsisilbing emergency employment at subsidy program para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa covid19. […]

  • Bilang ng ‘unemployed’ sa PH, dumami pa; higit 3-M na – PSA

    Lalo pang dumami ang bilang ng mga unemployed o walang trabaho na Pilipino noong Oktubre.     Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo na ito sa 3.5 million na mas mataas kompara sa 3.07 million na naitala noon lamang Hulyo 2021, pero mas mababa naman kaysa 3.81 million na napaulat noong Okutubre 2020.   […]

  • 3 most wanted persons, nadakma sa Caloocan at Valenzuela

    TATLONG katao na pawang wanted sa kaso ng panggagahasa ang nadakip ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operations sa Caloocan at Valenzuela Cities.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-2:25 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major […]