• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tokyo Olympics non-medalists may bonus din

Maski ang mga miyembro ng Team Philippines na nabigong manalo ng medalya sa Tokyo Olympic Games ay may matatanggap na bonus.

 

 

Ito ang inihayag kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Bambol Tolentino sa pagbibigay nila ng tig-P500,000 sa mga Tokyo Olympics non-medalists.

 

 

Katulong ng POC sa paghahandog ng nasabing cash incentives ang MVP Sports Foundation ni businessman/sportsman Manny V. Pangilinan.

 

 

“Everyone on Team Philippines in these ‘Golden Olympics’ deserve all the praises, and in this case, incentives, they need,” sabi ni Tolentino. “Qualifying for the Olympics is already that difficult, what more competing in the Games themselves.”

 

 

Ang mga tatanggap ng tig-P500,000 mula sa POC at MVPSF ay sina gymnast Carlos Yulo, pole vaulter Ernest John Obiena, boxer Irish Magno, rower Cris Nievarez, taekwondo jin Kurt Barbosa, skateboarder Margielyn Didal, shooter Jayson Valdez, judoka Kiyomi Watanabe, weightlifter Elreen Ando, golfer Juvic Pagunsan, sprinter Kristina Knott at swimmers Re­medy Rule at Luke Gebbie.

 

 

Ibinigay ni weightlifter Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Olympic gold medal ng Pinas matapos ang 97 taon nang magreyna sa women’s 55-kilogram division.

Other News
  • 193,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine, nasa Pinas na

    Nasa Pilipinas na ang unang batch ng bakuna na Pfizer-Biontech mula sa donasyon ng World Health Organization (WHO) COVAX facility.     Ang mga vaccines ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 sakay ng DHL cargo plane bago mag-alas:8:00 ng gabi, May 11  Lunes.   Kabilang naman sa ga sumalubong sa shipment ay […]

  • PBBM, hinikayat ang publiko na magpa- COVID booster bago ang in-person classes

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga pinoy na maghanda para sa pagpapatuloy ng face-to-face classes sa huling buwan ng Agosto.     Sa kanyang lingguhang  vlog, sinabi ng Pangulo na  dapat ay may sapat na proteksyon ang publiko laban COVID-19 bago pa ang inaasahang pagdagsa ng mga estudyante sa mga eskuwelahan.     […]

  • DOJ, inatasan ni PDu30 na inimbestigahan ang korapsyon sa buong gobyerno

    INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte InterAgency Task Force led sa pangunguna ni Justice Secretary Menardo Guevarra na imbestigahan ang korapsyon sa buong pamahalaan.   Ipinag-utos din ng Pangulo sa task force na imbestigahan ang di umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).   “It behooves upon me to see to it […]