• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tolentino aakyat ng entablado

GAGAWARAN si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ng Executive of the Year San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night sa paggabay sa bansa na makamit ang kaauna-unahang gold medal sa Summer Olympic Games.

 

 

Isa siya sa 33 personalidad na may pagkilala sa Marso 14 na gala night sa Diamond Hotel sa Roxas Boulevard, Ermita, Manila.

 

 

Makakasama ni Tolentino na makaakatanggap ng award buhat pinakaunang media organization sa bansa sina Ramon S. Ang, Manuel V. Pangilinan, William ‘Butch’ Ramirez, Wilfred Steven Uytengsu, Jr., Victorico Vargas, Jude Echauz, Philip Ella Juico at Wilfrido Marcial.

 

 

Dahil sa mahigpit na alituntunin sa kalusugan, may 50 porsyento lang ng kapasidad ng ballroom ang papayagan. Noong nakaraang taon, ginanap na virtual ang SMC-PSA awards night.

 

 

Nanatiling agila si Tolentino sa paghahanda ng bansa para sa 32nd SOG 2020+1 sa Tokyo, Japan noong Hulyo-Agosto sa loob ng halos dalawang taon dahil sa naantalang paligsahan ng global pandemic noong 2020.

 

 

Sulit ang mahabang paghihintay dahil sa wakas ay nasungkit ng ‘Pinas ang kauna-unahang Olympic gold matapos ang halos isang siglo sa likod ng record-breaking performance ni weightlifter Hidilyn Diaz.

 

 

Pinatamis ng boxing trio nina Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial ang pot nang manalo ng isang pares ng pilak at tansong medalya para sa pinaka-produktibong kampanya ng ‘Pinas sa tuwing apat na taon lang na palaro

 

 

Nakita rin sa stint na ang mga potensyal na mananalo ng medalya sa iba pang larangan ang tulad nina gymnast Carlos Edriel Yulo, golfers Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan, pole vaulter Ernest John Obiena, at skateboarder Margielyn Didal.

 

 

Si Tolentino rin ang pangulo ng Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling. (REC)

Other News
  • PDu30, kinuwestiyon ang “timing” ni Pacquiao sa pagbira sa kanyang administrasyon na may kinalaman sa korapsyon

    HAYAGANG kinuwestiyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang “timing” nang pagbubunyag ni Senador Manny Pacquiao hinggil sa malalang at laganap pa ring korapsyon sa pamahalaan.   Labis na ipinagtataka ng Pangulo ang matagal na panahon na pananahimik ni Pacquiao sa sinasabi nitong iregularidad sa ilang ahensiya ng pamahalaan lalo pa’t isa siyang mambabatas at public […]

  • Coast Guards ng Southeast Asia nagsanib, karagatan babantayan

    NAGSANIB-puwersa ang mga coast guards ng iba’t ibang bansa sa Southeast Asia upang protektahan ang seguridad at labanan ang mga iligal na aktibidad sa karagatan ng rehiyon.     Ito ay nang lumahok ang Philippine Coast Guard sa ASEAN Coast Guard and Maritime Law Enforcement Agencies Meeting kasama ang mga coast guards ng Cambodia, Indonesia, […]

  • Ads April 8, 2021