PDu30, kinuwestiyon ang “timing” ni Pacquiao sa pagbira sa kanyang administrasyon na may kinalaman sa korapsyon
- Published on July 5, 2021
- by @peoplesbalita
HAYAGANG kinuwestiyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang “timing” nang pagbubunyag ni Senador Manny Pacquiao hinggil sa malalang at laganap pa ring korapsyon sa pamahalaan.
Labis na ipinagtataka ng Pangulo ang matagal na panahon na pananahimik ni Pacquiao sa sinasabi nitong iregularidad sa ilang ahensiya ng pamahalaan lalo pa’t isa siyang mambabatas at public servant sa mahabang panahon.
“He has been with government for so long a time as a senator. My question to Pacquiao is: Bakit ngayon ka lang nagsalita ” ang tanong ni Pangulong Duterte sa isang panayam sa inagurasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 East Extension Project sa Antipolo Station.
Si Pacquiao ay nagsilbing Sarangani representative mula 2010 hanggang 2016 bago pa nahalal bilang Senador ng bansa.
Halata aniyang hindi na makapaghintay si Pacquiao sa kanyang magiging anunsyo kaugnay sa posibleng standard-bearer ng kanyang ruling party, ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), sa 2022 national elections.
“Suddenly, he could not maybe wait for the announcement that PDP will go for him. Ayun, nagwala, nagsabi ‘corruption dito, corruption doon’ ayon sa Punong Ehekutibo.
Isa kasi si Pacquiao sa mga personalidad na kinukunsidera para sa posibleng presidential candidate ng PDP-Laban.
At nang hingan naman ang Pangulo ukol sa naging alegasyon ni Pacquiao laban sa DOH, siniguro ni Pangulong Duterte na ang lahat ng mga inakusahang opisyal ng pamahalaan ay magko-cooperate “100 percent.” kapag inimbestigahan.
“I will tell everybody that kung minention sila ni Pacquiao na may corruption , that they should cooperate 100 percent,” giit ng Pangulo.
Umugong naman ang pangalan ni Health Secretary Francisco Duque III matapos banggitin ni Pacquiao ang pangalan ng Kalihim na isa di umano sa kanyang tinutukoy.
Todo-depensa naman ang Pangulo sabay sabing pinaninindigan nito ang “competence at integrity” ng mga miyembro ng kanyang gabinete.
Kaya wala aniyang dahilan para sibakin sa puwesto si Duque.
“I do not see any problem with the Health secretary. Gusto nga nila paalisin. Sabi ko bigyan niyo ako ng rason para paalisin sa DOH. Wala akong nakitang kasalanan. Bakit niyo patanggalin,” ang pahayag ng Pangulo.
Bukod sa DoH, hinamon ng Pangulo na pangalanan pa ni Pacquiao ang iba pang corrupt-ridden government agencies.
“You know, when you are a champion in boxing, it does not mean to say that you are a champion in politics. So he is blabbering his mouth, tapos na . I am waiting for his word for the next department that he would choose to investigate,” ayon sa Chief Executive.
Ani Pangulong Duterte, isang malaking pasanin para kay Pacquiao, ang kilalanin at imbestigahan ang maraming corrupt officials.
Kaya naman, inaasahan ng Pangulo na hindi maga-absent si Pacquiao sa oras na magsimula na ang imbestigasyon laban sa mga ahensiya na inakusahan niya na sangkot sa corrupt activities.
“I expect him to sit in Congress, do not go anywhere, finish and find out the corruption that you are talking about. Magtrabaho ka, hiningi mo ‘yan, nandiyan ‘yong mga papel . Start investigating. Do not go elsewhere. Comply first with your duty as a senator.” giit ng Pangulo. (Daris Jose)
-
Nacionalista suportado na ang kandidatura nina BBM-Sara Duterte sa Mayo
PORMAL nang ieendorso ng Nacionalista Party — ang pinakamatandang partido pulitikal sa Pilipinas — ang kandidatura nina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagkapresidente at pagkabise. “For the May 2022 elections, the Nacionalist Party fully supports the candidacies of Ferdinand ‘Bongbong Marcos, Jr for President and Inday […]
-
VENUS, nakahanap ng fulfillment sa pagsisilbi sa Panginoon kesa maging aktibo sa showbiz;
KAYA pala hindi masyadong nakikita si Venus Raj sa mga nakaraang pageant activities dahil abala ito sa pagtapos niya ng kurso sa OCCA The Oxford Centre for Christian Apologetics sa Oxford, England. Sa kanyang Instagram account, pinost ng former Miss Universe Philippines 2010 ang pag-graduate niya sa OCCA. “This journey at […]
-
Matapos na maging box-office hit sa ‘Cinemalaya XX’: ‘Balota’ na pinagbidahan ni MARIAN, mapapanood na nationwide
MAGANDANG balita para sa mga supporter ng “Balota” ni Marian Rivera dahil mapapanood na ang nasabing Cinemalaya film sa mga sinehan nationwide simula October 16. Matatandaang nagwagi bilang 2024 Cinemalaya Best Actress si Marian sa kanyang pagganap bilang teacher Emmy. Ang “Balota” ay mula sa direksyon ni Kip Oebanda. Inanunsyo ito ng GMA […]