Tolentino ipapagawa ng bahay ang POC
- Published on January 9, 2021
- by @peoplesbalita
BALAK sa panahon ng panunungkulan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino na mapagtayo ng sariling permanenteng tahanan ang pribadong organisasyon upang hindi maging ‘iskuwater’ sa PhilSports Complex ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Pasig City.
Ito ang ipababatid ng opisyal sa mga kasamahan sa organisasyon unang edisyon na unang POC Executive Board Meeting bukas (Martes, Enero 12) sa nasabing lugar.
“Ngayon lang namin napagtanto ang bagay na ito, at pangunahin namin itong pag-uusapan sa board. Ang POC pala walang permanenteng opisina sapul noong 1911 pa. Mabigat man itong sabihin, pero parang informal settler. Nakikitira lang ang POC sa facilities ng PSC. Hindi rin naman sa PSC ang kinatitirikang lugar (kasaosyo ang DepEd),” salaysay kamakalawa ni Tolentino.
Kakahalal lang opisyal ng sports at Cavite Eight District Representative na pangulo ng POC nitong Nobyembre at sa Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) nitong Disyembre.
“Nakakalungkot, pero baka isa tayo sa mundo, o sa Asia o kahit sa Southeast Asia na ang POC ay walang sariling opisina. Daig pa tayo ng Laos, Myanmar at Thailand na may mga sariling opisina. Kaya isa ito sa aking pagtutuunan ngayong taon,” panapos na namutawi kay Tolentino. (REC)
-
Mas maunlad na ekonomiya, asahan sa Alert Level 1
NANINIWALA si Taguig Mayor Lino Cayetano na sa paglalagay sa Alert Level 1 sa Metro Manila ay hindi lamang new normal ang dapat asahan, kundi ang mas mainam na kinabukasan para sa ekonomiya. Maibabalik aniya, ang buhay ng ekonomiya, kahit hindi naman agad-agad basta magtiwala lamang ang mga kababayan, Dapat aniya, na maging […]
-
Ilang bahagi ng Roxas Boulevard sa Maynila, isasara tuwing Linggo
UMARANGKADA na ang “Move Manila Car-Free Sunday” kung saan sa kabila ng walang tigil na buhos ng ulan ay dinagsa pa rin ng libu-libong indibidwal ang Roxas Boulevard nitong Linggo, Mayo 26. Nabatid sa tagapagsalita ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na si Atty. Princess Abante, tinatayang aabot sa mahigit 3,000 ang […]
-
Bierria, iniiwasan ng Cignal ang pagbagsak, natigilan ang Petro Gazz sa 5
Nakaiwas ng malaking abala ang Cignal, pinabagsak ang Petro Gazz sa limang set, 25-22, 34-32, 15-25, 16-25, 15-13, upang palakasin ang kanilang semis bid sa 2022 Premier Volleyball League Reinforced Conference, Huwebes sa ang Smart Araneta Arena. Pinangunahan ng American reinforcement na si Tai Bierria ang HD Spikers na may 19 puntos sa 18 […]