Tolentino nais mag-USTe
- Published on August 10, 2020
- by @peoplesbalita
ISA sa mga gumawa ng pangalan sa Ateneo de Manila University Lady Eagles sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s indoor volleyball ang player na si Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino. Pero kung pagkakataong makapamili ng iba pang mapaglalaruan bukod sa ADMU-Quezon City, sa University of Santo Tomas Golden Tigresses ang pangarap ng Premier Volleyball League (PVL) star. “Maybe, I will say UST as a safe answer,” lahad ng 25 taong gulang, 6-2 ang tangkad na dalaga sa Tiebreaker Vodcast: So She Did!” nitong Martes ng gabi. Nasa pangalawa aniya ang España-based squad dahil marami sa angkan niya, lalo na ang kanyang mga magulang ang mga nagsipag-aral din sa naturang pamnatasan. “Because that’s where my parents went, so that’s safe and a lot of like, my relatives went to UST,” talak pa ng Fil-Canadian na, isa sa key player ng Katipunan-based team at napabilang sa 2014 Ateneo Fab Five. Dumagit si Tolentino ng isang championship sa UAAP Season 81 2019 bago binulilyaso ang Season 82 nitong Marso ng COVID-19. Kasalukuyang nasa Vancouver muna ang balibolista at nakatakdang bumalik sa ‘Pinas para maglaro sa Choco Mucho Flying Titans sa 4th PVL 2020. (REC)
-
Filipinas, kampeon sa 2022 AFF Women’s Championship vs Thailand, 3-0
NAG-KAMPEON ang Filipinas, matapos maka-goal ng tatlong ulit sa AFF Women’s Championship laban sa Thailand. Ang unang goal ay naipasok ni Jessika Cowart sa pamamagitan ng header sa seventh minute. Ang ikalawa naman ay naipasok ni Katrina Guillou sa 20th minute ng laro. Habang ang ikatlo ay naipasok sa […]
-
Mayor Jeannie nakipag-ugnayan sa DBP para palakasin ang pabahay, kalusugan, infra projects at socio-economic development
UPANG mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga Malabueño, nakipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa Development Bank of the Philippines (DBP) para ilunsad ang programa ng bangko na tumutulong sa pagpopondo sa mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan psa epektibong pagpapatupad ng mga programa. Nilagdaan ni Mayor Jeannie Sandoval at […]
-
Belmonte, Sotto naghain ng reelection bid sa pagka-mayor, bise ng QC
Isang termino pa ang inaasam ngayon ng kasalukuyang alkalde’t bise alkalde ng Lungsod ng Quezon matapos nilang maghain ng kanilang kandidatura sa susunod na eleksyon sa darating na taon. Ika-5 ng Oktubre, Martes, nang maghain ng kanilang certificates of candidacy (COC) sina incumbent QC Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto para […]