• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tolentino suportado ang mga manlalaro

POSITIBO si Taguig-Pateros First District Rep. Alan Peter Cayetano na isa ang Philippine Olympic Committee (POC) na makakatulong sa Pilipinong atleta sa ilalim ng  bagong termino ng pamumuno ni Cavite Eight Distriuct Rep. Abraham Tolentino.

 

“Ang kanyang muling pagkapanalo ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng vote of confidence sa mga lider ng bawat national sports associations (NSAs) sa isang progresibong lider na mas tutugon sa kanilang pangangailangan,” ani Cayetano nitong isang araw.

 

Ginanap ang POC elections noong Nobyembre 27 sa Parañaque City kung saan nahalal sa ikalawang pagkakataon si Tolentino bilang pangulo ng pribadong organisasyon.

 

Pinapurihan ng mambabatas ang pagiging epektibo at inspirasyon ang istilo ng liderato ni Tolentino na nakatulong na aniya upang maging isang malaking tagumpay ang Philippine 30th Southeast Asian Games 2019.

 

Ayon pa sa cahirman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), malaki ang naging ambag ni Tolentino sa muling pagkapanalo ng Pilipinas sa nasabing paligsahan na ginaganap tuwing ikalawang taon.

 

“Umaasa kaming ang pamunuan ng POC ay patuloy na bibigyan ng inspirasyon at nararapat na suporta ang ating mga atleta lalo tuwing nasa kompetisyon,” wakas ni Cayetano. (REC)

Other News
  • THIA, tuluyan nang iniwan ang mundo ng pageantry at nag-concentrate na lang sa showbiz

    EXCITED na at masayang-masaya ang mga fans nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, sa announcement ng GMA Network na ibabalik ang drama series na Endless Love, ang Korean drama adaptation ng Autumn in My Heart.          Unang ipinalabas sa GMA-7 ang Endless Love noong 2010 na dinirek nina […]

  • Naomi Watts, Befriends a Bird in A Drama Film about Believing in Miracles

    TWO-TIME Academy Award nominee Naomi Watts stars in a new Netflix film that is set to tug at our heartstrings: Penguin Bloom.       The drama film is one of those tales of hope and goodness that make you believe in miracles just a little.   In Penguin Bloom, Naomi Watts plays the role of Sam […]

  • Trillanes, sinopla ni Roque

    vMARAMING mga Filipino ang patuloy na nagtitiwala at nasisiyahan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque bilang tugon sa sinabi ni dating senador Antonio Trillanes IV na bumababa na ang approval rating ni Pangulong Duterte sa Luzon, batay sa isang survey na isinagawa ng Magdalo group.   “Hindi […]