Toll fees sa NLEX at SCTEX magiging ‘cashless’ na
- Published on August 29, 2020
- by @peoplesbalita
Magiging ‘cashless’ na ang lahat ng mga toll lanes ng dalawang pangunahing tollways sa Northern Luzon dahil sa pagpapatupad ng RFID stickers.
Ayon sa Metro Pacific Tollways Corp., ang nag-ooperate ng North Luzon Expressways at Subic-Clark-Tarlac Expressway, magsisimula ang nasabing cashless tollway bago ang Nobyembre 2.
Ang nasabing hakbang ay para maiwasan na rin ang posibleng pagkahawa ng coronavirus.
Nakasaad na rin ito sa kautusan mula sa Department of Transportation (DoTR).
Sinabi ni Toll Regulatoy Board (TRB) Executive Director Abe Sales, naapektuhan ang NLEX operations matapos na ang ilan nilang empleyado ay nadapuan ng COVID-19.
Nauna na ring sinabi ng NLEX Corporation na kanila ng tatanggalin ang Easytrip Tags sa Setyembre 30 at lilipat na sila sa RFID.
Sa normal kasi na pagbabayad ng toll ay aabot sa 9-12 seconds habang ang RFID ay tatlong segundo lamang ay makakadaan na sa toll.
-
Ex-PDEG chief, 48 pa kakasuhan sa P6.7 bilyong shabu ‘cover-up’
NAKATAKDANG isampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kasong kriminal at administratibo laban kina dating Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) Director BGen. Narciso Domingo at 48 pang tauhan nito kaugnay ng umano’y ‘cover-up’ sa P6.7 bilyong halaga ng shabu na nasabat mula sa lending company ni PMSgt. Rodolfo Mayo, Jr. noong […]
-
Martin ‘di makakalaro sa Gilas sa World Cup
Malabong makalaro si Fil-Am guard Remy Martin para sa Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup na idaraos sa Pilipinas. Ito ang inihayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) assistant executive director Butch Antonio dahil pa rin sa patakarang ipinatutupad ng FIBA. Base sa rules and regulations ng FIBA, kailangang nakakuha […]
-
Pebrero, sinalubong ng malakihang taas-presyo sa LPG
SINALUBONG ng malakihang-pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang unang araw ng buwan ng Pebrero. Ito’y isang araw lamang matapos na magpatupad din ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa. Ayon sa Petron at Phoenix, nagpatupad sila ng P11.20 na taas-presyo sa kada […]