• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TOM at CARLA, October 2020 pa engaged pero ngayon lang ni-reveal

MATAGAL na palang engaged ang longtime na mag-sweetheart din naman na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

 

 

October 2020 pa ay engaged na ang dalawa kunsaan live-in na rin naman sila ng matagal kaya nitong nakaraang enhanced community quarantine, silang dalawa talaga ang magkasama sa bahay ni Carla.

 

 

Kaya halos lahat naman talaga, parang hinihintay na lang ang announcement nila na engaged na sila or kung kailan sila magpapakasal.

 

 

Noong March 21 nga, sa pamamagitan ng kanilang mga Instagram accounts ay ini-reveal na nila ang naging engagement nila.

 

 

Sabi ni Tom, “I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride: I love you in this way because I do not know any other way of loving but this…”

 

 

Na sinagot naman daw ni Carla nang, “A Million YES” ang proposal ni Tom sa kanya.

 

 

At least, sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

 

 

***

 

 

NAG-TRENDING ang picture nina Coco Martin at Julia Montes na diumano’y spotted papuntang Boracay or sa airport na mismo don.

 

 

Kung sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, parang given na kung kailan magsasabing enagaged at magpapakasal, sina Coco at Julia naman, parang given na at hindi man sila umaamin at nagsasalita, alam ng lahat na sila naman talaga.

 

 

So, ang hinihintay na lang din siguro, kailan sila formal na aamin sa relasyon nila o hinihintay ng marami kung totoo nga ang isyu ng may anak na sila at kung kailan naman nila ito ipapakita.

 

 

Anyway, marami raw ang natuwa nang makita ang dalawa na magkasama. Ilan sa mga comments, naaliw na makitang dala-dala raw ni Coco ang bag ni Julia.

 

 

    “Ang cute ni Coco. Siya ang may dala ng bag ni Juls.”

 

 

     Siyempre, pinaka-happy sa lahat ng sighting/spotted news na ito kina Coco at Julia ay ang mga tagahanga ng dalawa. (ROSE GARCIA)

Other News
  • ‘Vitamin D’ sa caption, nilagyan ng kakaibang meaning: IG post ni PIA ng topless photos ni JEREMY, kinaaliwan ng mga netizens

    KINAALIWAN na naman ng mga netizens ang Instagram post ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na kung saan ibinahagi na naman ang topless at sexy photos ng kanyang fiancé na si Jeremy Jauncey.     Kung anu-ano nga ang mga naging reaksiyon ng kanyang IG followers sa mga litrato ni Jeremy sa Seychelles, Africa na […]

  • MAVY at CASSY, binaha ng birthday greetings at ‘di naman nagpahuli sina DARREN at KYLINE

    TWENTY-ONE years old na pala ang famous twins na anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy Legaspi noong January 6, 2022.     May kanya-kanya namang post ang Kapuso stars sa kanilang Instagram account bilang bahagi ng kanilang 21st birthday.     Nakatutuwa ang pinost ni Mavy na throwback at […]

  • KRIS, sinorpresa ng simpleng pa-birthday si MILES at binukong may ‘pinagdadaanan’

    MAGKASUNOD na may binigyan ng simple na surprise pa-birthday si Kris Aquino.     Una na ang kanyang loyal and trusted P.A. na si Alvin Gagui at ang itinuturing na babaeng anak na si Miles Ocampo.          Base sa video, natulog o nag-stay si Miles sa kanyang “Nanay Kris.”  Hindi lang kami sure kung […]