TOM, gustung-gusto nang makasama ni CARLA ‘pag natapos na ang kanilang lock-in taping
- Published on September 25, 2021
- by @peoplesbalita
DESPITE the challenges of the COVID-19 pandemic, nagawa pa ring maayos nila Carla Abellana at Tom Rodriguez ang kanilang kasal na sa Nobyembre magaganap.
Ayon kay Carla, wala raw nabago sa original plans nila. May mga adjustments lang dahil sa mga susundin na protocols.
“Mas mahirap, given kasi pandemic ngayon, most especially because we don’t have full control over what’s happening around us, pati ‘yung protocols, decision ng government, it affects everything. Pero kahit paano naitatawid naman po so far.”
Kahit na matagal na nagkahiwalay ang dalawa dahil sa kanilang lock-in tapings, hindi raw naging hadlang iyon para maayos ang kasal nila.
“This is the longest na nagkahiwalay kami ni Tom. We are both in different tapings kaya we communicate through video chat with our suppliers.
“Tuwing break ng taping namin ng ‘To Have And To Hold’, dun lang ako nakakaharap sa suppliers namin via Zoom. Sa awa ng Diyos, naging successful naman ang lahat for us.”
Looking forward si Carla na makasama na niya ang fiance na si Tom kapag natapos na ang lock-in taping nito ng The World Between Us.
***
PAGKATAPOS nang walong taon, maglalabas si Geneva Cruz ng new single titled “Sinungaling”.
Eight years nagpahinga si Geneva sa recording scene at na-excite siya sa muling paglabas ng new song sa ilalim ng Curve Entertainment at composed ang single niya ni Junji Arias.
Nag-shoot na rin ng music video si Geneva ng ”Sinungaling” na ire-release in October. Dinirek ito ng fellow Smokey Mountain member na si Jeffrey Hidalgo. Ang styling ng video ay mula sa kaibigan niyang si Rachel Alejandro.
Huiing album ni Geneva ay To Manila na ni-release noong 2013. Ilang taon ding tumira abroad ang singer bago siya mag-decide na bumalik sa Pilipinas.
***
BUMUHOS ang pakikiramay sa pagpanaw ng Sex and the City actor na si Willie Gardon sa edad na 57 dahil sa pancreatic cancer.
Gumanap si Garson sa SATC bilang loveable gay BFF ni Sarah Jessica Parker na si Stanford Blatch.
Naging regular si Gardon sa six seasons ng SATC at lumabas din siya sa dalawang film versions ng award-winning HBO comedy noong 2008 at 2010.
Kasama ulit ang character niya sa reboot ng SATC na And Just Like That…
Mensahe ng adopted son niya na si Nathen: “I’m glad you shared your love with me. I’ll never forget it or lose it.”
Nag-post din ng kani-kanilang mensahe sa social media ang mga nakatrabaho ni Garson sa mga shows at pelikula tulad nila Cynthia Nixon, Kim Cattrall, Kristin Davis, Mario Cantone, Ben Stiller, Jason Alexander, Julie Bowen, Chad Lowe, Rex Lee at marami pang iba.
Hinihintay ng marami ang post ni Sarah Jessica on social media ng kanyang magiging mensahe sa pagpanaw ng TV BFF niya.
Bukod sa SATC, lumabas din si Garson sa John from Cincinnati, White Collar, Whole Way Down and Hawaii Five-O.
(RUEL MENDOZA)
-
CHR ukol sa drug war report “No malice, we did our mandate”
PINANINDIGAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang report nito na mayroong paggamit ng “excessive force” laban sa drug suspects at maraming biktima ang di umano’y tumanggi ang nauwi sa pagkamatay na karamihan ay mula sa marginalized communities. “Contrary to remarks that seek to put malice in the crucial work of CHR, our […]
-
PBBM sa mga manggagawang pinoy: ‘KAYO ANG PUSO AT KALULUWA NG ATING LAKAS-PAGGAWA; KAYO ANG MUKHA NG BAGONG PILIPINAS’
PINARANGALAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga manggagawang filipino habang pinangunahan ang ika-122 Labor Day Commemoration at ika-50 taong anibersaryo ng proklamasyon ng Labor Code of the Philippines (LCP). Sa naging talumpati ng Pangulo sa nasabing pagdiriwang sa Palasyo ng Malakanyang, nagpaabot ng pasasalamat ang Pangulo sa mga Filipinong manggagawa sa Pilipinas at […]
-
Catantan sa world juniors & cadets naman eeskrima
DALAWANG bagong kompetisyon ang sasalangan ng isa sa mga pambato ng Philippine Fencing Association Inc. (PFAI) na si Samantha Kyle Catantan. Kakaespada lang ng bronze medal at pinarangalang isa sa siyam na All-American selection sa 2021 United States National Collegiate Athletic Association (NCAA) Fencing Championships sa Pennsylvania noong Marso 25-28, ng 19-anyos na […]