• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TONY, abswelto na sa kasong ‘slight physical injuries’ pero haharapin pa rin ang ‘two counts of aggravated acts of lasciviousness’

NA-DISMISS ang slight physical injuries complaint sa aktor na si Tony Labrusca ng Makati prosecutor’s office.

 

 

Ang nag-file ng reklamo kay Labrusca ay si Dennis Ibay, Jr. na nagsabi na nanggulo sa isang house party ang aktor noong nakaraang January 16, 2021.

 

 

Ayon kay Makati Senior Assistant City Prosecutor Edmund Seña“However, the complaint was only filed before this Office on June 04, 2021, or after more than two months from the time of the incident. Considering that the complaint for slight physical injuries against respondent was only filed on June 04, 2021, or after more than two months from the date of its alleged commission, the crime is already extinguished by reason of prescription. “Wherefore, premises considered, it is respectfully recommended that the complaint for slight physical injuries against Anthony Angel Jones Labrusca, Jr., a.k.a. ‘Tony Labrusca’ be dismissed on the ground of prescription.”

 

 

Nakatanggap na ang legal counsel ni Labrusca na si Atty. Joji Alonso ng kopya ng resolution issued ng Makati City Prosecutor’s Office “motu proprio” (on one’s own initiative) dismissing the case of slight physical injuries on the ground of prescription.

 

 

Ayon kay Atty, Alonso: “While the decision of the Honorable Office was based on technical grounds, we remain steadfast that our client is innocent from the aforesaid charge.”

 

 

Pero hindi pa raw tapos sa ilang kaso pa si Labrusca dahil hindi pa nare-resolve ng Makati Prosecutor’s Office ang alleged sexual molestation case laban sa kanya ng isang babae sa same house party. Meron pang two counts of aggravated acts of lasciviousness na ikinaso laban sa aktor.

 

 

***

 

 

PAGKATAPOS iwan ang showbiz noong 2017, nagtatrabaho na bilang security personnel sa California ang dating comedienne na si Jinky Oda na mas kilala bilang si Bale sa sitcom na Okay Ka, Fairy Ko.

 


     Nakatsika nila Rufa Mae Quinto at LJ Moreno si Jinky para sa kanilang vlog na “The Wander Mamas”.

 

 

Nakipagkita sila kay Jinky at kinumusta siya sa bagong pamumuhay niya sa Amerika.

 

Noon daw ay walang plano si Jinky na manirahan sa Amerika pero dahilan daw ay ang kanyang anak.

 


     “First year ko dito the whole year culture shock siya. Kasi walang tao. Nasa’n ang tao? Kapitbahay mo nga, di mo kilala…Walang tao, walang kausap,” kuwento ni Jinky.

 

Caregiver ang unang trabaho ni Jinky at ang kapatid niyang nurse sa Amerika ang tumulong sa kanyang makuha ang work na iyon.

 

“Dahil wala pa nga akong papers at that time, parang ano lang ako, on-call caregiver. Pag walang caregiver na pumapasok, ako yung parang nagfi-fill in. OK naman. Kesa naman sa nganga,” tawa pa ni Jinky.

 

 

Napasok ni Jinky ang trabaho bilang security personnel noong may maging kaibigan itong local security guard.
“Meron akong nakilalang guy na local security guard. Lumapit lang siya sa ‘kin. Siyempre, to be polite, ngumiti lang ako. Biglang lumapit, nagpakilala.

 

 

“To make the long story short, siya nagpasok sa akin sa security field. Maganda yung trabaho ko. Ito ang magiging buhay ko na for the rest of my life. Kailangan i-accept.”

 


     Paminsan-minsan daw ay nami-miss ni Jinky ang pagiging artista sa Pilipinas. Pero maayos na raw ang buhay niya sa Amerika. Kung may babalikan daw siya sa Pilipinas, ito ay ang kanyang mga kaibigan na matagal niyang hindi nakita noong magkaroon ng pandemic.

 

 

***

 

 

ANG The Crown ng Netflix at The Mandalorian ng Disney Plus ang nakakuha ng pinakamaraming nominasyon sa 73rd Primetime Emmy Awards. Nakakuha sila ng tig-24 nominations each. Nasundan sila ng Wandavision ng Disney Plus with 23 nominations; The Handmaid’s Tale ng Hulu at ng NBC’s Saturday Night Live with 21 nominations; at Ted Lasso ng Apple TV with 20 nominations.

 

 

Nakakuha naman ng 18 nominations ang Lovecraft Country ng HBO at The Queen’s Gambit ng Netflix, at 16 nominations naman ang Mare of Easttown ng HBO.

 

 

Maglalaban sa best drama series category ay ang The Boys, Bridgerton, The Crown, The Handmaid’s Tale, Lovecraft Country, The Mandalorian, Pose at This Is Us.

 

 

For best comedy series, ang mga maglalaban ay black-ish, Cobra Kai, Emily in Paris, The Flight Attendant, Hacks, The Kominsky Method, Pen15 at Ted Lasso.

 

 

Magaganap ang 2021 Primetime Emmy Awards on September 19 in Los Angeles on CBS and will be streamed live on Paramount+. It will be hosted by Cedric the Entertainer.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Pagsasanib ng Landbank at DBP aprubado na kay PBBM

    APRUBADO kay  Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang pagsasanib ng Land Bank of the Philippines at ng Development Bank of the Philippines (DBP).     Ito’y sa harap ng nakikita ng pamahalaan na kailangang magtipid. Base  sa assessment ng gobyerno ay aabot sa P5. 3 bilyong piso sa unang taon ang maisusubi at aabot […]

  • Libreng swab testing kaloob ng Quezon City LGU sa bar examinees

    MAGKAKALOOB ang ­Quezon City government  ng  libreng swab testing sa 756 examinees at 350 personnel at volunteers sa isasagawang  bar examination ngayong Linggo .     Ayon kay Mayor Joy ­Belmonte ang hakbang ay bilang pagtiyak na ang  mga examinees at iba pang kakasangkapanin sa isasagawang eksaminasyon ay ligtas mula sa exposure at hindi pagmulan […]

  • FAILURE OF BIDDING SA OMR MACHINE

    NAGDEKLARA ng failure of bidding ang Commission on Elections (Comelec) Special Bids and Awards Committee (SBAC) sa pagkuha ng  karagdagang optical mark reader (OMR) machines para sa May 2022 elections. Inanunsyo ni SBAC chairperson, lawyer Allen Francis Abaya sa virtual opening ng bids ang kabiguang mag-bid matapos hindi magsumite ng kanyang bid ang nag-iisang bidder […]