TONY, piniling mag-stay sa Dos dahil sa utang na loob
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
ISA si Tony Labrusca na tumatanaw ng utang na loob sa ABS-CBN kaya nag-stay pa rin siya at hindi tumanggap ng projects sa ibang TV network.
“Ako po, pinag-pray ko talaga kasi honestly this time, gulung-gulo ako kung ano ang gagawin kasi ang daming lumilipat, honestly may mga naging offers ako sa ibang network and sa ibang agency.
“Pinag-pray ko ‘yun, sabi ko, ‘Lord, please help me to decide kasi I honestly don’t know what to do and what’s meant to be is what meant to be na lang. So, I ended up working and meant to stay dito (ABS-CBN).
“I’d like to think na si Lord lang talaga ang gumawa ng paraan para mag-stay pa rin ako kasi ako rin, hindi ko alam kung gagawin ko at tamang desisyon,” pagtatapat ni Tony.
Sa ABS-CBN nagsimula si Tony bilang contestant ng Pinoy Boyband Superstar na bagama’t hindi siya ang big winner pero siya naman ang sumikat ngayon dahil nag-concentrate na siya sa pag-arte.
Inamin sa amin noon ni Tony na noong pumunta sila ng mama Angel Jones niya sa Pilipinas ay walang-wala sila at nakatira sa isang maliit na kuwarto at talagang naghihigpit sila ng sinturon dahil nagsisimula palang ang binata.
May mga project na siya noon pero hindi sapat para makakuha ng mas malaking lugar para sa kanilang mag-ina.
Hanggang sa napansin na siya ng husto ng ABS-CBN sa iWant Digital movie na Glorious at dito na nagkasunud- sunod ang projects ni Tony.
Sa ngayon ay nagte-taping si Tony ng seryeng Bagong Umaga at naka-lock in sila sa isang hotel at sa Oktubre 30 ay mapapanood naman ang pelikula nila nina Kim Chiu at JM De Guzman mula sa Star Cinema na idinirek ni Derrick Cabrido. (Reggee Bonoan)
-
Buwanang pensiyon sa mga PWDs lusot na
Lusot na sa Special Committee on Persons With Disabilities ang panukala na magkakaloob ng buwanang pensiyon sa mga kababayang may kapansanan o persons with disablity (PWDs). Sa ilalim ng House Bill 7571 na inihain ni Bohol Rep. Alexie Tutor, layon dito na magtatag ng Social Pension Program sa ilalim ng Department of Social Welfare […]
-
Baser pinasalamatan Meralco
NAGPAABOT ng pasasalamat si Philippine Basketball Association (PBA) stalwart Baser Amer para sa nilaruan niya ng limang taon na Meralco. Aprubado na noong Huwebes, Pebrero 4 ni pro league commissioner Wilfrido Marcial ang swap sa pagitan ng Bolts at Blackwater kung saan napunta sa Bossing sina Amer at Bryan Faundo kapalit ni Rey […]
-
SINGING CROC BEFRIENDS FAMILY IN THE NEW TRAILER OF “LYLE, LYLE, CROCODILE”
MEET the croc so nice, they named him twice. Check out the new trailer below for Columbia Pictures’ new musical comedy Lyle, Lyle, Crocodile starring Shawn Mendes as Lyle, Javier Bardem and Constance Wu. YouTube: https://youtu.be/w7JwkIr-Dtw Also check out the vignette “Voicing Lyle” at https://youtu.be/LqBRYKKPQjA About Lyle, Lyle, Crocodile Based on […]